Going To Prom: Weh, 'Di Nga (another journal kuno)

82 1 0
                                    

Unprettier: Anong oras ba ang kainan sa prom?

Classm8: 7 PM yata, bakit?

Unprettier: Kasi pagdating ng 7 PM, tsaka lang ako papasok, tapos sasabihin ko dun sa guard, "sori po, akala ko 7 PM ang umpisa ng prom!". Tapos tatakbo ako papunta sa hall at kakain ako.

--x--

February 15 ang prom namin pero ngayon ko lang natapos isulat ito [03/29/13]. That says a lot about me. Sa totoo lang, excited lang ako noon sa prom dahil 2 PM ang simula kaya pwede ako gumising nang late. Hindi ko trip 'yung porma-porma dahil sa tingin ko kahit na anong make-up o damit ang isuot sa akin e mukha pa rin akong adik na pandang magmumukhang clown pag naka-makeup.

Pero sabi ng nanay ko ayos lang naman daw 'yung itsura ko.

The day before, nagkakagulo-gulo ang schedule namin dahil dapat 2 PM - 9 PM ang prom, pero ginawa nilang 7 AM - 5 PM because of... reasons. Nagreklamo ang students. Gagawin sanang 12 PM -7 PM pero dahil sa mga outburst ng students, 10AM-5PM na lang daw. Dahil sa debate na 'to, lagpas 1 hour na-delay ang dismissal ng juniors at seniors.

Umuwi ang mga estudyante na nag-iiyakan at aburido. Pero 'yung iba, wapakels. Kasama ako dun sa grupo ng tao na wapakels. It's because I'm not really fond of prom. 'Yung lalaking partner ko sa sayaw, ayaw umayos. Tang ina niya. Pero 'di ko siya masisisi dahil parang ganun din ako. Mas gusto ko pang mag-stay sa bahay at manood ng mga video ng k-pop. Ewan.

Pag-uwi ko, tumingin ako sa news feed ko sa Facebook, at nakalagay dun na balik na sa 2PM ang sched. Uhh, yehey?

Nagising ako ng 10 AM para pumunta sa parlor. Pagdating ko doon, maraming mga schoolmate ko ang andun rin. Nagpa-manicure at pedicure ako habang nanonood ng "Be Careful With My Heart". Matagal pa kaming naghintay bago ako ayusan ng buhok.

Mga 12:30 na akong naumpisahan ayusan ng buhok. Ang masaklap, tatlo kaming aayusan. Isa lang ang mag-aayos dahil siya lang ang marunong. Sinisigawan ako ng nanay ko ng "huwag makulit at tigilan mo na ang paglingon sa tv para manood ng Showtime dahil ma-la-late na tayo!". Ipinakita na ng nanay ko dun sa nag-aayos ng buhok ko 'yung picture ni Anne Curtis (na ipini-rint ng kaopisina ng nanay ko) dahil 'yun ang gusto kong hairstyle. Kung kilala mo ako in real life... siguro pinagtatawanan mo na 'tong update na 'to.

12:45 ako natapos magpaayos, at bumalik ako sa bahay para magbihis at magkaroon ng awkward photo session courtesy of my mother who was bribing me by saying "I'll buy you a book if you let me take your picture".  Eew.

Traffic papunta sa school. In-entertain ko ang sarili ko sa pamamagitan ng paglalaro ng Block Breaker 3 Unlimited (hindi po ako binayaran para sa product placement na 'yan) sa Nokia phone ko na kasingbulok ng sense of humor ko.

Pagdating ko sa school, may nakasalubong akong teacher. Nakita ako. Walang reaksyon. Sabi ko sa sarili ko, "anak ng... I look ugly, don't I???".

Tapos, pumasok na ako sa campus. Didiretso na ako sa classroom, pero hinatak ako ng mga teacher (na parang nagmistulang bouncer) dahil kailangan ko daw pumirma sa attendance sheet. Nakita ako ng English teacher ko, sabi sa akin... "UNPRETTIER* [hindi tunay na pangalan], IS THAT YOU?!".

Hindi ko daw kamukha si ako. (wow ha)

Maya-maya, nag-umpisa na ang prom. Doon kami na-assign sa pinakaunang table sa 3rd column. Ansabe, front row seat kami. Tapos nakita ko kung sino ang mga emcee noon. Ok, hindi ko talaga nakita kasi malabo ang mata ko at hindi ko dala ang salamin ko - at takot ako sa contact lenses dahil baka mahiwa ang mata ko kung mali ang pagkalagay.

THINKING OUT LOUD!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon