SMILE KA KONTI LANG

81 2 0
                                    

SCENE: Nung may malakas na bagyo pero ipinagpilitan pa ring may pasok. Flag Ceremony. Pagkatapos ng national anthem, panatang makabayan, at school cheer, kinuha ng isang teacher ang microphone.

Teacher: Good morning pupils and students---

Mga mag-aaral: (akalang i-a-announce na suspended na ang klase) WOOOOOOOOO!!!

In-announce pala na birthday ng principal nung araw na 'yun. Bale may mga kumanta at maya-maya may nanghingi ng "voluntary" na "donation" para sa "birthday ng principal".

Na-suspend na ang klase by 9 AM pero 11:45 na kami nakaalis dahil tinotoyo ang service namin. Nakipaglaro at natalo ko muna sa chess ang ilan sa mga kaklase ko, nakinig kami ng radyo, at isa-isa nang umuuwi ang mga kaklase ko. Makalipas ang 2903490 oras ng paghihintay, napalayas ako at 'yung ka-service-slash-kaklase ko sa classroom namin dahil isasara na ito kaya lumipat na lang kami sa ibang classroom.

Nakauwi na kami matapos noon, at naabutan pa naman namin ang Be Careful With My Heart.

(Sabi ng mga kaklase ko na parang pinapasok lang kami sa school para i-celebrate ang birthday ng principal)

--x--

Ka-group ko sa thesis 'yung kaklase kong napakagaling sumulat (journalism-wise). Sa group namin sa thesis, ako naman ang in-charge sa pagpapa-cute. JOKE!!! I'm in charge of making the thesis sound as loquacious as possible, or so I heard.

Kinausap ng english teacher namin si groupmate na magaling sumulat nung isang araw.

English Teacher: Your thesis proposal is very good. What's your secret?

Groupmate: I drink Bear Brand Busog Lusog every morning.

===

Nagkaroon muli ng audition para sa cheering noong September 5... Hindi ako nakapanood kasi sinundo namin nung kaklase ko 'yung adviser namin (homeroom period na kasi nung oras na 'yun) tapos sinamahan ko 'yung isang group para magpa-check ng "statement of the problem" dun sa thesis nila.

Pagbalik ko sa classroom, sabi nung kaklase ko na "mag-practice" raw kami para sa "cheering" [a/n: joke-joke lang 'yun] kaya pumunta kami sa bandang likod ng classroom para wala masyadong makakita. Tapos, nag-split ako... sabay pasok nung adviser through the back door.

And to think na ako pa naman 'yung isa sa mga estudyanteng sineseryoso ng mga teacher...

===

September pa lang at nararamdaman ko na ang hinaharap. 'Yung tipong masasabi mo sa sarili mo na "ay high school student pa nga pala ako ba't ba namimiss ko na agad ang mga taong dapat kong ma-miss?" kahit na matagal-tagal pa rin naman kaming magkakasama.

Noong nag-graduate ako nung elementary, hindi ako nahirapan dahil 1.) I treated my classmates as classmates and nothing more, at 2.) I hated at least one third of the student population anyway (mga 100 lang naman siguro kami noon sa buong school). Ngunit ngayon nakilala ko ang mga taong nag-aruga sa akin, be it teachers or classmates... at higit sa lahat, nakilala ko ang sarili ko.

(at nakilala ko rin ang sandamukal na gwapong schoolmates. tsaka si ano !!!!... wala. nevermind I'll find someone like you...)

Kung pwede ko lang sanang ibagsak ang grades ko para tumagal pa ang stay ko sa school (at grades ng lahat ng taong gusto kong makasama)... gagawin ko, pero hindi pwede e. Kailangan na rin nating mag-move on dahil tatanda tayo, magbabago, at pagdating ng panahon, 'yung dati mong kabarkada ay hindi na magpapadaan ng group message sa 'yo.

---

A/N: Maganda sana ang message ng "yolo", 'yun nga lang e mas na-a-attribute siya sa mga gawaing putang inang gagong katangahan. Gusto ko man tapusin ang paragraph na ito gamit ang "yolo"... hindi ko gagawin.

THINKING OUT LOUD!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon