Sige umalis ka na para mapag-usapan ka namin

86 0 0
                                    

Ika-15 ng Abril, 2013. 12:03 AM

Nakahiga ako magdamag sa kama.

Bubuksan ang cellphone, maglaro ng games sa cellphone, titingnan ang pictures sa cellphone, magbabasa ng lumang messages sa cellphone, isasara ang cellphone.

Magbabasa ng libro. Susubukang matulog. Lalabas ng kwarto para uminom ng tubig. Papasok ulit sa kwarto. Susubukan ulit matulog.

Mag-do-drawing sa cellphone gamit ang bulok na app. Susubukan ulit matulog. Susuko.

Hindi ako natulog magdamag. Dahil sa hindi ako makahinga nang maayos (sabi ni Google bronchitis daw 'yun) at tsaka dahil bigayan ng report card pagdating ng 8 AM.

Binabasa ko 'yung mga lumang messages sa phone ko, 'yung mga message na natanggap ko nung last days ng S.Y. 2011-2012 (Hindi nakasave sa cellphone ko ang mga message na natanggap ko nung last days ng S.Y. 2012-2013).

Nakaka-miss.

---

Ika-15 pa rin ng Abril, 2013. 8:15 AM

Sa wakas, nakatulog na ako sa kotse habang papunta kami sa school. 'Yun nga lang, halos 5 minutes lang.

Nakita na namin (tatay, kapatid, ako) 'yung mga adviser ng batch namin. Pinuntahan namin 'yung adviser ko. Nambwibwisit nanaman ang kapatid ko, at alam niyo naman ang kasabihan, "lokohin mo na ang lasing, lokohin mo na ang bagong gising, pero huwag mo kong iinisin kasi hindi ako nakatulog simula kahapon".

Ang sungit ko. Nakita ko 'yung bugoy na... hindi ko alam kung tatawagin kong nam-bu-bully... pero  parang ganun na nga. As usual, mukha siyang bakla.

Ang sungit ko. Dalawang teacher lang ang na-greet ko. Baka sabihin nilang naging bitch ako. Pero hindi, antok lang talaga ako.

Sabi ni sir adviser, 2nd daw ako sa ranking sa klase namin. Buti. Pang-5th ako nung 3rd quarter, dahil sa pagkawala ko ng gana sa pag-aaral at dahil sa mga ibang kaklaseng sugapa pagdating sa recitation.

---

Sa totoo lang, mayroon akong hinihintay na dumating. You know, isa sa mga taong naka-save ang mga lumang text message sa inbox ko.

Natagalan na kami dahil sa pagpapa-photocopy ng report card (dahil kailangan ibalik sa school ang original copy). Ibinalik ang report card. Nag-inquire sa accounting office.

Pero wala pa rin, hindi pa rin dumadating si ano... si... whatever.

Umuwi na kami.

At syempre... heto ako, hindi pa rin makatulog.

Bakit ba kasi hindi ako makatulogzZzZzZzZz...

===

I just wasted 30 minutes of my time trying to found out how to send a goddamn email using the new yahoo mail beta crap, which makes us realize that nobody uses e-mail anymore.

I feel like a grandma.

WHERE'S THE "SEND" BUTTON?!

I'm switching to Google Mail.

==

Hindi na Ika-15 ng Abril, 2013

Woohoo, summer na. At next week, may summer classes na ako. As of now, medyo wala akong magawa sa bahay.

Wake up, eat, internet, 20 sit-ups, take a bath, internet, eat, internet, read, sleep.

Ganyan lang lagi ang schedule ko. NGANGA.

At namumulok na 'yung draft ng "We Belong Together (Always and Forever)" doon sa... drafts ko. Na-publish ko na 'yun ng dalawang beses pero i-de-delete ko rin pagkatapos dahil walang ibang nagbabasa kundi ako, kapag hinahanap ko 'yung mga typographical error.

NGANGA. Sayang, may potential pa naman siya.

Anyway, nung isang araw gumawa ako ng 43 sit-ups tapos 24 squats. Hindi na ako makalakad ng maayos, at parang sinikmurahan ako ng sampung beses. Aray.

At kahit anong exercise ko, ayaw pa rin umalis nung baby fat. Akala niyo lang wala na pero 70% nung taba ay andun sa binti ko. In the words of the great Triple H, I could be described as a "skinny fatass".

Kailangan ko nang matutong mag-bike, para mas mapadali ang pag-exercise. Tsaka kailangan kong kumain ng gulay.

...

Ewan ko lang kung nakwento ko na 'to dati, pero nung bata ako, tinatanggal ko 'yung maliit na piraso ng gulay sa cup noodles at pancit canton.

Nung 2nd year ako, nung Academy Day (na sa totoo lang ay nagtatagal ng 3 araw), bumili kami nung friend ko ng nachos (galing kasi sa booth namin, pampadami ng income, kahit na mas masarap 'yung nachos sa kabilang booth).

Nag-share kami dun sa mga kaklase namin.

Tapos, 'yung isa kong kaklase, tinanggal niya lahat nung gulay dun sa nachos. Natira lang 'yung beef at cheese.

Naalala ko tuloy 'yung sarili ko. Hahaha!

===

Ika-23 ng Abril, 2013

Umpisa na nung summer class ko. Batch 2 ako, at batch 2 rin 'yung karamihan sa mga kaklase ko nung 2nd year. Tsaka si ex-crush, batch 2 rin - 'yun nga lang, batch 2 rin yata ang syota niya.

Isa sa mga dahilan kung bakit ako nag-sign up para sa summer class ay para hindi ako laging walang ginagawa sa bahay. Pero sa summer class na ito, parang itinuturo lang nila lahat ng mga napag-aralan na namin. At tambak pa ang homework.

Napag-usapan nga pala nung section ni ex-crush na sama-sama ang section nila sa batch 2. Sabi ko nga, batch 2 rin ako, 'yun nga lang...

AM session ako. PM session siya.

Pero mas ok na hindi ko siya makita, instead of makita ko nga siya, kasama naman niya 'yung syota niya, 'di ba?

--x--

THINKING OUT LOUD!Where stories live. Discover now