Ang love life ay parang iPhone. Wala ako nun.

96 1 0
                                    

FOREWORD

“Sino nga ba ang mas misteryoso: Ang taong alam mo na ang talambuhay at takbo ng isip pero hindi ang pangalan, o ang taong alam mo ang mukha, tirahan, edad, at pangalan pero bukod doon e wala nang iba? - Bob Ong (Stainless Longganisa)

Mapapaisip ka talaga rito sa quote na 'to. At kung hindi niyo pa nahahalata, idol ko si Bob. Yey, Bob!

Napansin ko rin na similar ang viewpoints namin ni "Bob" (spoiler: hindi niya totoong pangalan) sa marami-raming bagay. Naging hobby ko ang pagbasa muli ng mga Bob Ong Books (BOB) sa school tuwing umaga dahil hindi tulad ng mga kaklase kong sa umaga [a few hours before classes start] lang gumagawa ng assignment, ginagawa ko na ang mga assignment ko sa school bago umuwi o sa bahay mismo.

Magkatulad kami mag-isip ni boss Bob minsan - pero minsan lang. Kaya huwag kayong mag-expect na sumulat si Bob tungkol sa pagpa-derma at pagpa-rebond ng buhok and vice versa because it. will. never. happen.

...

Ngayon back to the quote itself.

Karamihan naman ng mga tao sa Wattpad ay hindi nagpapakita ng tunay na mukha [exceptions: mga taong inilalagay ang mga mukha nila sa DP at book covers nila] kaya tulad ko, may mga taong nagkwekwento sa readers about sa buhay nila (authors) pero hindi naman talaga kami kilala sa personal nung readers namin.

"Unless you wanna hook up with me, why do you care what I look like?" - Eminem. Aminin ko, iniba ko ng konti 'yung quote na 'yan dahil hello, hindi gumagamit si Unprettier ng vulgar terms sa journal niya... most of the time.

At kung malaman ninyong hindi naman talaga ako 15 years old kundi isang 37-year-old na illegal settler mula sa Europe, magbabasa pa rin ba kayo nito? [a/n: alam kong wala akong kausap. abangan: "Unprettier gets diagnosed with schizophrenia"]

--x--

July xx, 2013

Birthday ng pamangkin ko kanina... yata [audience: WALA KANG KWENTANG TITA UNPRETTIER!!!]. Anyway doon kami naupo sa bandang harap ng pinagdausan ng party para malapit sa buffet at dahil may balloon centerpiece 'yung table namin. Instead na sumama sa "teenagers" o sa "20-somethings" na mga table kung saan nakaupo ang mga pinsan ko, doon ako naupo sa "adults" table. Dahil asocial ako. At isip-gurang.

Tapos, nagkulang ng isang iced tea sa table namin kaya tinawag nung nanay ko 'yung waiter.

Nanay: (sa waiter) Pogi!

(narinig ng kapatid ko ang salitang "pogi"...)

Kapatid: Bakit po?

Nanay: Hindi ikaw! 'Yung waiter.

===

Last week nagkaroon na ng pinakaunang club meeting sa school for this school year (2013-2014). Noong nag-o-organize pa 'yung adviser namin kung saang club kami sasali, nagmakaawa ako sa adviser ko at sinabi kong "Miss, dito na ninyo ako ilagay sa [English] Club, ako lang naman po tao d'yan eh!".

Pagdating ng club meeting... anim lang kami. ANIM!!! Halos 1000 ang estudyante sa school namin, sa HS branch. Tapos ang members namin... ANIM LANG?!? Ang members namin ay... ako, dalawang 4th year (na as far as I know ay nasa star section nung elementary sila), at tatlong third year mula sa... tanananan-tanan... star section.

At dahil anim lang kami (pito kung kasama 'yung club moderator), na-interview kami nung moderator namin.

Q: So, why did you join this club?

3rd year #1: To enhance my intellectualism, knowledge, and grammar.

3rd year #2: To appreciate literary pieces much more.

Unprettier: Because... uh, I love this club.

Q: What is your favorite food?

3rd year #1: Pesto pasta!

3rd year #2: Chocolate.

Unprettier: Ah... it's... ano... (napalunok) kwek-kwek...

Sabi ko nga, mga ano, "intellectuals" ang kasama ko dun sa club. Bale ako 'yung aanga-angang engot na napalusot lang dun for some reason. Para kang napasok sa isang high-profile na university kung saan nagpapagandahan ng kotse at damit 'yung mga estudyante samantalang ikaw naman 'yung jologs na araw-araw e T-shirt, pantalon at tsinelas lang 'yung suot.

EDIT: Guys wala na kaming club, tinanggal club namin dahil ang (ahem) "dami" raw namin. Ang bago kong club: 'yung club na hina-handle nung adviser ko nung 2nd year. Natatakot ata 'yung mga 3rd year sa akin kasi kahit magsabi ako ng "nice to meet you", ang sinasabi raw ng mukha ko ay "ililibing kita ng buhay". Dear readers, hindi beeyotch si Unprettier. Most of the time. Don't be fooled by the face. Kahit hindi niyo alam ang itsura ko.

===

Hindi ako pwedeng maging pre-school teacher dahil hindi ako magaling sa pakikipag-deal sa bata. Unless kung ang pinag-uusapan nating "bata" ay ang pamangkin kong cutie patootie gwapings at wala nang iba. If that's the case... sign me up.

At may anger problems ako.

At hindi ako magandang role model.

Unprettier: Okay kids, today we're gonna learn about... PAGBUKAS NG PADLOCK GAMIT ANG GANCHILLO AT WIRE!!!

Ginagawa ko talaga 'yun nung grade 6 ako. Ganchillo sa maliit na padlock, wire sa malaki. Huwag niyong tularan.

===

Gumagamit ng lines mula sa "Ang Dating Doon" 'yung Physics teacher namin habang discussion. At sa lahat nga pala ng hindi nanonood ng Bubble Gang... 'yung "Ang Dating Doon" ay isang skit/sketch mula sa Bubble Gang.

See? May similarities pa rin ang mga estudyante at mga teacher despite the age gap. Mahilig silang manood ng comedy shows. Just like us.

===

Economics, Physics (the "energy" part, not the math), TLE.

Mga subject na nag-ta-tackle ng issues na haharapin ng halos lahat ng tao. Na-a-appreciate ko talaga ang mga subject na 'to dahil... ano... they are honing the children into becoming responsible, rational, and sensible adults. That is, kung nakikinig ang estudyante sa discussion.

Hindi naman kasi lahat ng estudyante pare-pareho ang gusto, diba? Favorite subject ko ang English, pero sigurado ako may iilang estudyante sa room na hindi hilig ang subject na ito.

Kahit pagdating mo raw ng college, mag-aaral ka pa rin sa umpisa ng mga bagay na hindi naman talaga related sa course mo and YOU. WILL. LIKE. IT. Maybe you won't like it at all, but you don't have a choice, I guess? (Hindi ako sigurado. Nahahalata na ng mga tao na hindi pa ako college student.)

May mga gusto kang hindi gusto ng iba. Just like how some like the CAT and I don't - again, it's because of the HAIR!!! and not because of the actual training. Sasabihin nanaman ni Unprettier na ibasura na ang de-merit rule sa pagtikwas ng buhok in 3... 2... 1...

--x--

THINKING OUT LOUD!Where stories live. Discover now