***SUPER SPECIAL EDITION*** Unprettier reviews...

77 0 0
                                    

Unprettier reviews... her own stories. Dahil wala akong magawang matino sa bahay.

--x--

#1 "SHANNON" (April 2, 2012)

Tada! Ang pinakaunang story ko sa Wattpad. Ilang oras bago ko isulat ito... wala pa akong Wattpad. Nabasa ko sa status ng isang dati kong kaklase na nagsusulat siya sa Wattpad, at sabi nung isa pa naming dating kaklase, "igawa mo ako ng story tungkol kay Shannon [Magrane, 'yung sa American Idol]" dahil favorite niya si Shannon.

At sabi ko, "AKO GAGAWA NG STORY hahahaha". Dahil wala rin akong magawa sa bahay noon dahil ayaw ipahiram sa akin ng kapatid ko ang bike niya (para makapag-practice ako mag-bike). As of now, May 7, 2013, hindi pa rin ako marunong mag-bike...

Kaya gumawa ako (ito ang pagkakaalala ko, baka mali?) ng Wattpad, isinulat ang "SHANNON" on-the-spot, and the rest is history.

===

#2 "Going On and Not Letting Go" (Anak ng... kelan ko ba isinulat 'to?!)

As of that time, isa pa lang ang story ko, at ang silbi ng Wattpad account ko ay para sa pag-vote sa chapters ng "Go On or Let Go?" ni Trichelle143 at dahil ginagawan ko ng cover ang mga story ng friends ko sa Wattpad.

Nung natapos na 'yung kwentong "Go On or Let Go?", tinanong ko si Trichelle143 kung pwede ba ako gumawa ng sequel. Oo daw, sabi niya. Kaya gumawa ako.

Going On and Not Letting Go. Ito pa rin ang paborito kong story, siguro dahil puro na-inspire lang ng mga joke book ang plot at dahil nakalimutan ko na ang kalahati ng plot nito.

Sarili kong kwento... nakakalimutan ko ang plot. Sabi ng nanay ko na magiging ulyanin daw ako dahil hindi ako kumakain ng gulay. At sa tingin ko, tama siya.

===

#3 Iskul Tukmol (Matagal na 'to, pero sa pagkakaalam ko e summer 2012 ko siya inumpisahan)

Ang mga naunang chapter nito ay ibinase sa 2nd year high school days ko, na 2893845892347 beses ko nang sinabi na nami-miss ko. Ang bandang gitna, medyo nakabase sa 3rd year high school days ko.

Pero karamihan ng characters sa story na iyon ay kathang-isip lamang.

Nung mga 20 chapters na 'to, sumuko na ako. Wala na kasing patutunguhan. Kaya, parang masasabi sigurong na-"euthanize" ang kwentong ito. Kababuyan na ang plot, e.

===

#4 The Rejects (September 24, 2012)

Ito ay mga...ahem, "rejected" na prequel para sa story ni Katielein_20 na "We Belong Together (Always and Forever)". Sa panahong iyon, "The Sixth Sense" pa ang title ng kwentong iyon. Pero sumuko na kami dahil kung gagamitin namin 'yung prequels na ginawa ko, magiging horror/comedy ang kwento instead na romance. Kaya pinalitan na ang title, na-archive na ang kwento, at namumulok sa drafts ko ang revised edition ng kwentong ito dahil tuwing i-pu-publish ko e walang nagbabasa kaya sumusuko ako at dine-delete ko na lang. Ulit. For 3 times.

===

#5 THINKING OUT LOUD! [journal kuno]

Teka... pati ba naman ito? Next story please...

===

#6 Akyat-bahay ka ba? Kasi wala naman pinto ang puso ko, pero napasok mo (April 5, 2013)

Karumal-dumal ang title, dahil... wala na akong maisip na ibang title. And for the record, wala po itong kinalaman sa mga literal na akyat-bahay (teka, meron pala). At may balcony scene.

Ginamit namin ito sa play namin sa English, isang play kung saan ipapakita ang paraan ng panliligaw ng mga nagmamahalan noong 1970's. Kung nabasa niyo na ito (basahin nyo pls kasi baka sabihin nanaman sa akin nung isang kakilala ko na "ung isang story mo walang nagbabasa"), mapapansin ninyong wala itong similarity sa ligawan ng 1970's.

At nung pinerform namin ito sa harap ng klase namin noong 3rd year ako, tawa lang ako nang tawa nung ni-re-recite ko 'yung lines ko.

--x--

Ayun lang. Kahit na gustong-gusto ko na talaga sumulat ng fiction, wala na akong inspiration. Dahil wala akong crush [audience: WEHHHH]. Baka maging madre na lang ako paglaki ko. Isang napakasungit na madre na mahilig sa kwek-kwek at McDonald's.

THINKING OUT LOUD!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon