coochie coochie coo

65 0 0
                                    

September 2013

Masarap uminom ng tsaa at kumain ng moon cake kapag mainit ang ulo mo dahil nakakarelax kumain ng moon cake. At uminom ng tsaa.

Quote of the day mula sa kaklase ko: "Bakit ka umiinom ng tsaa, lola ka ba?"

--x--

Naniniwala ang isang kamag-anak ko (oops sino 'yan?) na lahat ng nababasa niya sa Google ay totoo, at syempre hindi naman ako makaka-disagree dahil mayroon siyang ~*credentials*~. Er, fallacious! Para mo na ring sinabi na "lahat ng nakasulat sa Yahoo Answers, Blogspot, at Wikipedia ay totoo". Lookin' at you, pretentious piece of crap in my class who always implies that she's always right. FINE!!! Kahit na madalas ka nang nabara, I admire your perseverance yo.

===

Kanina tinanong sa amin ang atomic number ng element na cobalt. Sabi ko... "27!" tapos hindi kumibo si teacher. "26? 25?!?", sabi ko. Pagtapos noon, isinulat ng teacher namin sa blackboard ang number na "59". Ako naman, super sabog dahil dalawa lang ang pwedeng dahilan nito: a. nagkagulo-gulo na ang mga number sa utak ng teacher namin sa sobrang dami or b. tangengot ako.

Pero oo nga, 27 ang atomic number ng cobalt.*

* at sa lahat ng nagsasabi na "59 ang atomic mass ng cobalt you moron!!!", you're right. Atomic number nga lang ang hinihingi. Isinulat ni teacher ang 59 sa lower left side ng symbol ng element na cobalt (Co) kaya it was implied that he thought 59 was the atomic number of cobalt, not the mass.

Anyway, ayos lang naman sa akin 'yun dahil lahat tayo nagkakamali. Medyo napahiya lang ako kahit na ako ang tama. But anyway, isinigaw ko lang naman 'yang sagot, hindi naman ako nagtaas ng kamay tsaka nag-recite dahil mas nakakahiya 'yun.

(at may nangyari nga pala ulit kanina... itinanong sa amin nung mga substitute student-teacher kung ano ang 4th element sa periodic table at sabi ko "Beryllium!" pero "Lithium" ang isinulat nila sa blackboard... ayos lang 'yan...)

===

Kanina nag-umpisa na kaming magsuot ng uniform sa CAT. Ilang minuto bago umalis ng bahay, nalaman ko na 'yung slacks ko ay medyo "skinny" yata kung tutuusin kaya ANAK NG POTEK HINDI KO ALAM ANG GAGAWIN. Hindi na lang tuloy ako kumain ng almusal, baka kasi lalong lumaki pata ko, ampotek! Bawal nga kasi ang "skinny" jeans... este slacks! MUKHA AKONG LONGGANISA!!!

Panic na panic talaga ako, anak ng kalabaw, sabi kasi sa amin na kapag mali raw ang slacks, kakaladkarin daw kami palabas ng campus. @$#%!!!

Pagdating sa school? Sit-ups, stretching, pagtakbo sa classroom, ginawa ko 'yan lahat! PUMAYAT LANG PARA LUMUWAG 'YUNG SLACKS!!!

(tinanggap nga pala ni sir commandant 'yung slacks ko)

===

Parang napunit ang mga muscle ko sa binti dahil sa CAT. Susmaryosep.

At tulad ng lagi kong sinasabi... I-ABOLISH NA ANG "BAWAL MAY TIKWAS NA BUHOK" RULE SA CAT!

===

Kung kumakain lang ako ng gulay (dahil gulay ang ulam ng MOCC noon) at kung maganda lang ang buhok ko (pero hindi naman raw requirement ang magandang buhok sa MOCC, sayang!!!), siguro CAT officer na ako ngayon. Anyway, isa sa mga kaibigan ko na CAT officer na ngayon ang nagsabi sa akin na sa kanya raw ipinapakain ng mga katabi niya 'yung mga broccoli sa chop suey na lunch ng MOCC noon. Bawal 'yun, diba? I would have done the same, though.

===

Kanina nung brainstorming sa thesis... kinausap ako nung kaklase kong CAT officer din.

Classmate: Unprettier, may stapler ka ba?

Unprettier: *binukas-sara ang kamay, kunwari stapler*

Classmate: KAPAG IKAW na-stapler mo 'tong mga papel gamit 'yang kamay mo... bibigyan kita ng merit [sa CAT].

Unprettier: (kumuha ng mga papel na naka-stapler mula sa bag, kinuha ang staple wire, isinuksok ang wire sa pinapa-stapler ni classmate)

Classmate#2: Haha gagawin na ang lahat para sa merit.

Pero siyempre joke lang 'yung "bibigyan ng merit" part dahil you know, bawal 'yun e. Rules will be rules.

At kahit na 'yung group namin sa thesis ang isa sa mga medyo *ubo* matino, namumuro na kami sa listahan ng mga taong nagsalita ng tagalog during English class - correction - English "AND THESIS WRITING" class.

--x--

THINKING OUT LOUD!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon