Bakit ambait mo sa 'kin ngayon mangungutang ka ba

80 0 0
                                    

~*☆Paunang Salita☆*~

Merong nagluto sa bahay kanina ng extra-hot Lucky Me™ pancit canton. At kahit nasa 2nd floor ako, naamoy ko siya. At ewan ko lang kung bakit, pero parang nalalasahan ko rin 'yung canton habang naamoy ko. Nasa 1st floor ang canton, nasa 2nd floor ako. Huh?!?

Sabi nila, hindi mo malalasap ang pagkain kung palpak ang sense of smell mo. The sense of smell is a vital part of tasting food. Pero pwede ka bang makatikim ng pagkain just by smelling it? Baka superpowers 'to... [Edit: Ginoogle ko 'to ngayon-ngayon lang. Hindi raw ito superpower.]

Mahilig talaga ako sa extra-hot na pancit canton, kahit na lagi akong pinapagalitan ng kapatid ko dahil kapag nag-go-grocery kami at pinakuha niya ako ng pancit canton, puro extra hot ang binibili ko. Because I like my pancit canton the way I like my men... extra hot. Kindly ignore the previous sentence. But anyway, the family likes the pancit canton sweet n' spicy. I, on the other hand, do not.

--x--

Korean cuisine.

Nakakain na ako ng tteokbokki noon sa Subic, pero hindi ko in-order 'yung maanghang dahil baka wala nanamang tumulong sa akin sa pagkain noon. Tsaka jjampong, nakakain na rin ako. Baka kayo rin, nakakain na nun. Hindi ako kumakain ng kimchi dahil hindi ako mahilig sa cabbage.

But anyway, there IS one food item which baffles me. 누룽지 (nooroongji), at ang tagalog term para sa pagkain na ito ay... "pinakuluang tutong na may sabaw".  Well, it IS burnt rice swimming in a bowl of water. Burnt rice = tutong? You know what they say, "One man's tutong is another man's healthy snack". Nevermind.

Naglagay ako ng picture ng nooroongji sa sidebar for your entertainment. Bon Appétit.

===

130509

Kanina ang last day ng summer class namin. Well, not really. Mayroon pa kaming simulation exam sa Sabado.

Binigyan kami ng chocolate ni Sir Gwapong Math Teacher kanina, dahil torture raw ang sunod-sunod na Math sessions namin last week. Pinagpasa-pasahan ang chocolate box sa klase, pero pagdating sa row namin, ubos na kaya hindi ako nakakuha nung chocolate. Pero ayos lang, dahil nakuha ko 'yung box. Nasa tiyan na ng mga kaklase 'yung chocolate at ma-di-digest na nila 'yun - pero 'yung box, hindi mawawala sa akin dahil hindi kinakain ang kahon. Bale souvenir ko 'yun. Bwahahaha.

Binasa ko ang cyrillic na nakasulat sa packaging... and then, nabasa ko na ang chocolate na bigay ni sir ay "Made in Ukraine" pa pala! Спасибо, ser!

===

Last year, nagbakasyon ang angkan (no kidding) namin sa Fontana sa Clark, Pampanga. Dalawang bahay sa Fontana ang na-occupy namin.

At nagkulang kami sa bigas at ulam.

Kaya pumunta ako, ang tita ko, at magulang ko sa pinakamalapit na McDonald's. Sumakay na kami sa van namin, tapos... dumaan kami sa drive-thru. Nag-order kami ng 4 pieces ng fried chicken, 4 na burger McDo... at 20 na rice. Pinagtatawanan na siguro kami nung kumuha ng order namin.

--x--

THINKING OUT LOUD!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon