Time Of Your Life (Welcome To The Motorcade)

137 1 4
                                    

12/01/12

Hey guys, it's... DECEMBER!!! I can feel the cold "Holiday Breeze" every time I take a bath @ 5 in the morning, sabay nginig dahil, shet, wala kaming heater. I can feel the "Christmas Spirit" everytime may nangangaroling sa amin, tulad ng mga batang nagmumura pag 'di mo binigyan ng pera at mga matatandang de-sobre na ang hinihinging "solicit" - wala kang takas, bwahaha! I can feel the "Holiday Cheer" kasi for some reason mukhang bumabait ang mga tao sa 'Pinas ngayong December. Maybe it's the air. Hey, man. Malay ko.

Maglagay na kayo ng Christmas Decor. Sa gate, sa sala, sa classroom, sa banyo. Blah blah blah. Classroom namin, may Christmas Decor na simula nung September. Yeah, nakalkal lang namin sa inaagiw na cabinet sa room. LOL.

===

December 1, 2012. May event daw sa school. Motorcade.

Magkakasama ang isang section sa isang vehicle, tapos, ayun, roadtrip.

Nung sinabi sa amin iyon ng teacher namin a few days ago, wala akong pake. "Motorcades are too mainstream", eka ni Unprettier. Mas gusto daw niyang mag-stay dun sa classroom at tumunganga buong araw. "Magsuot ng PE T-Shirt ang sasama sa motorcade blah blah blah..." sabi ng teacher namin kahapon. "Family shirt ang suot ng di sasama BLAH BLAH BLAH". Ako, ayaw sumama sa Motorcade. Wala kaming sasakyan. Ano gagawin namin? Mag-ha-hijack ng jeep?!

Well, the only permanent thing is change.

Pagpasok ko sa school service [van], nakita ko na ako lang ang hindi naka PE Uniform. Punyemas. Nag-a-away-away na ang mga "voices in my head" [I'm not bipolar though, I'm more like, um, "pentapolar", at pauso ko lang 'yan] habang ako'y nagdedesisyon. Nga pala, nagdala ako ng Fun Run shirt na pwede rin yata isuot ng mga sasama sa Motorcade. Just in case, y'know, maybe I could hitch a ride with the other section. Or OUR section.

Pagdating sa school, nakita ko ang isa kong friend (hi @Katielein_20, that's u) sa loob ng campus (duh). At na-realize namin na gusto namin sumama sa motorcade. Sabi nya, "May Fun Run shirt din ako... pero paano 'yung iba?" [Linawin ko lang: P.E. T-Shirt dapat ang suot ng mga sasama. Pero baka pwede na rin ang Fun Run T-Shirt na ginamit namin nung intramurals]. A few moments later, nakita na namin ang aming ikatlong friend, na malapit-lapit lang sa school ang bahay. Sabi namin, "Magdala ka ng tatlong PE T-Shirt, ipasuot natin kay [4th & 5th] friends!" at ginawa nga namin 'yun. Pagbalik namin sa school, ibinigay namin sa aming bagong dating na friend ang isang T-Shirt.

Pumunta na kami sa bandang likod ng school, ang "Parking Lot". Hinintay namin dun ang service ni Friend # 5, at pagkatapos ng isang milenyo, dumating na ang service niya. Isang problema: Wala siya doon, hinatid pala ng magulang. Kaya tumakbo kami pabalik sa loob ng campus. May nakabunggo pa akong 3rd year student na may dalang cymbals. TINGGG, laglag ang cymbals.

Nakita namin si Friend # 5. Medyo na-badtrip dahil hindi nasabihan agad na sasama pala kami sa motorcade. Kasalanan ko. Nadamay ang iba. Sabi ko, "this will be worth it". Sana nga.

At pagkatapos mag-panic dahil sa kakahanap ng sasakyan ng section namin (meron palang sasakyan ang section namin, himala), nakita naman namin ang sasakyan. Honda. Puting van pala. 12-seater. Bago kami pumasok, 19 na ang nakasakay. Bale 'yung 12-seater na van ay naging 24-seater dahil sa pahabol na pagsama namin.

At dahil badtrip si Friend # 5, nagpaubaya na ako, ako na ang naupo sa floor, kasi, you know, hindi na kami kasya. 'Yung iba, nagkandungan na lang. 'Yung iba, kalahati na lang ng pwet ang nasa silya. At pagkatapos ng tatlong minuto, may mga nagtatanong na kung nasaan ang pinakamalapit na CR.

THINKING OUT LOUD!Where stories live. Discover now