The floor's all yours, the house is full, you've made the slip now take the fall

27 0 0
                                    

New Year's Eve: nasa bahay lang ako. Walang media noche, walang out-of-town trip. At least may nagpapaputok a few blocks away - literal na paputok. No innuendo... hmpf. Paki-cleanse ang mga utak. New year's eve, tapos damn andito lang ako, gumagawa ng project. Parang Little Match Girl. New Year version nga lang. As if naman hindi rin ako ganito nung pasko.

So medyo hindi ako sanay na walang kasama kapag pasko at new year. But I appreciate the tranquility, don't get me wrong. At lahat ng nagbabalak na gumamit ng argumentum ad third world ay papasabugan ng super lolo sa mukha. Happy New Year!

--x--

Gosh darn it to heck!

Kanina habang nag-co-computer, naisipan kong magbukas ng isang Quake Cake Choco. Galing ata siya doon sa bulk packages na may discount kuno - at SHIT! Kalahati pa lang ng package ang nabubuksan ko pero tumapon na ang sandamukal na crumbs sa damit ko! Anak ng kalabaw, kung hindi ka naman ba minamalas oh. 'Yun pa talagang Quake na 'yun ang nabuksan ko. Buti pa 'yung Quake Overload, hindi gaanong messy.

Parang timang na baby tuloy ako kumain. Speaking of eating - pagdating sa ibang lugar, kailangang maging ~*sophisticated*~ pero pagdating sa bahay, naglalahong parang bula ang dangal. Naka-indian seat nga pala ako sa harap ng computer. As in nakataas ang paa. Pati kapag kumakain, nakataas ang paa ko. Na-traumatize kasi ako noong 3 years old ako, may gumapang na ipis sa paa ko habang kumakain kami. At ngayong 15 na ako, naniniwala pa rin akong kailangan nating mag-file ng restraining order laban sa lahat ng insekto sa mundo.

===

"May binili ako sa 'yong K-Pop", sabi ng kapatid ko kanina sa akin. Alam kong parang may mali sa sentence construction pero verbatim 'yan. Sa tingin ko, anong K-Pop? Sparkling (magazine na K-Pop)? Merchandise? O (gasp) BAND MEMBER?!?!?

Pero K-Pop ice cream pala.

Honeydew 'yung flavor. Katulad nung ice cream na kinain nung boyfriend ni best friend nung 3rd year (for more on that, kindly refer to chapter 4 of this journal). Gusto ko sanang i-post 'yung review ko sa Facebook pero baka walang mag-like kaya dito na lang.

First of all, it looks phallic as heck. Hahaha. So awkwardness may ensue. Kinain ko na lang habang nag-co-computer ako. Nga pala nanonood ako ng MBC Gayo Daejejun, 'yung year-ender special stage chubaekek ng K-Pop and whatever. Weeeeeeeee.

Balik sa ice cream, tasty siya. I think that's all I could say. Nakain ko na at lahat, hindi ko pa rin alam kung anong kinalaman niya sa K-Pop.

--x--

THINKING OUT LOUD!Where stories live. Discover now