Bakit dugo ang sinisipsip ng mga lamok hindi ba pwedeng taba na lang

331 3 4
                                    

Ang paglalakbay na ginawa ko para mahanap ang bentahan ng Korean Ice Cream [Part 1 of 3] 

Nung intrams namin, nakita ko 'yung crush ng bestfriend ko na may dalang melon ice cream. Mayroong nakasulat na hangul sa pakete, pero dahil nga bangag na ako at hindi na ako marunong mag-Korean, hindi ko 'rin naintindihan 'yung nakasulat sa pakete.

Ako: Yo, crush ni bff! Saan mo nabili 'yang ice cream mo?

Crush ni BFF: Dun sa bentahan ng ice cream sa canteen! (duh, bat 'di ko naisip 'yun?)

Ako*kumaripas ng takbo papunta sa canteen, baka kasi sold out na ang ice cream*

Pagdating ko sa canteen, hindi ko alam kung saan ako makakabili nung Korean Ice Cream. 'Nak ng kabayo, ba't 'di ko tinanong si crush ni bff kung saan nakapwesto 'yung bilihan ng ice cream? Well anyway, tumingin ako sa paligid at naghanap ng malaking karatula kung saan nakalagay ang salitang "ICE CREAM" in size 72 font or whatever.

Ang pinakauna kong nakita ay isang local ice cream stand... at ang unang pumasok sa isip ko ay... "watdafak, e pano nagkaroon ng Korean Ice Cream dito!". At dahil naalala ko na green 'yung lalagyan nung melon-flavored Korean Ice Cream, hinanap ko na lang 'dun ang pinakaunang ice cream na green ang takip. Ano nga ba ang nahanap ko? Isang popsicle na mayroong green na takip, na may badly photoshopped na label. 

Ano naman ang nakasulat sa label? Ito: "Buko Salad Ice Cream". Kung ibinalik ko ito sa mga nagtitinda, baka naman masaktan sila kasi iniisip nila na ayoko 'dun sa product nila. Kaya kinuha ko na lang at binayaran ko. Ngunit huli na ang lahat nung nalaman ko na ang ibig sabihin pala ng "Buko Salad Ice Cream" ay "Kulay Puting Yelo na may Macapuno at Lychee".

Nasa huli ang pagsisisi.

Bakit ko binili 'yung ice cream? Ang feeling ay katulad nung kapag hihingi ka ng free taste sa supermarket tas syempre kelangan mong ilagay sa shopping cart mo 'yung sinampulan mong pagkain/inumin na 'yun. Paglagpas mo sa free taste booth, iiwan mo na lang sa kung saang aisle 'yung sinampulan mong pagkain o inumin. Ganun. Pero kung ang case ay katulad netong sa ice cream ko... bahala ka sa buhay mo. Hahaha.

===

Ba't hindi na lasang chlorine ang Summit Mineral Water? Hindi naman sa nakatikim na ako ng swimming pool water [eh, pag nalulunod lang sa pool siguro, peksman]. Pero noon, lasang Wilkins ang Summit e. At lasang chlorine ang Wilkins. Medyo.

Sabi sa amin ng Chemistry teacher namin [name witheld] kanina, mayroon daw na ginawang experiment ang mga estudyante nya noon na nagpapatunay na CONTAMINATED ang ilang brands ng "Purified" "Distilled" Drinking "Water". Ang legitimately purified drinking water daw ay na-a-undergo ng 21 stages of water purification. Kung less than 21 ang stages noon, ano ang mangyayari? Magkakaroon ng bacteria ang tubig, that's what.

Dun daw sa experiment nila, naglagay sila ng 3 uri ng tubig sa 3 hiwa-hiwalay na beakers (duh). Beaker 1, may tap water, a.k.a. tubig gripo. Beaker 2, may "distilled" drinking "water". Beaker 3, mayroong legitimately purified water na saksakan naman ng mahal, Wilkins.

So, ganito kasi 'yun: maglalagay ka ng copper (yata) wires, blah blah negative 'yung charge nung isa, positive charge 'yung sa kabila. Tas ikakabit mo sa lightbulb na ikakabit naman dun sa source of electricity. Kapag may electrolytes daw 'yung solution, iilaw 'yung lightbulb o di kaya bubula 'yung solution.

Ang purified drinking water, walang electrolytes unless may BACTERIA. Kung may bacteria naman, magiging kulay putik daw 'yung solution after an hour or two. So iniwan nila 'yung tatlong beaker for an hour, at pagbalik nila, kulay putik na 'yung tubig sa beaker na may tubig gripo. Kasi may bacteria, obviously.

Pero, PLOT TWIST: Kulay putik rin ang tubig sa beaker 2, ang beaker na may "distilled" drinking "water"! Know what that means? Well, may bacteria ang "distilled" drinking "water" na ibinebenta sa iba't-ibang tindahan, at baka isa na dun ang canteen nyo! At baka isa na rin dun ang canteen namin.

(Sabi sa amin ni sir, mag-e-experiment daw kami sa Monday para malaman namin kung 'yung tubig na binebenta sa canteen namin ay safe, or, you know... CONTAMINATED)

Anyway, dahil doon, na-paranoid ako dahil baka mayroon nang mga tapeworm na bumubuo ng subdivision sa loob ng tiyan ko! At hindi tuloy ako nakabili ng tubig hanggang sa mag-bell na, at, well, pumunta na ako sa canteen para bumili ng tubig dahil uhaw na uhaw na ako. [Baka nag-pi-piyesta na ang mga baby tapeworms sa tiyan ko ngayon. Kung meron man.]

Ngunit peste ang rule sa school namin: Kung nag-bell na, at nasa labas ka pa... isa lang ibig sabihin nun... KUKUHAAN KA NG I.D. HAHAHA! Kaya may tapeworms na nga ako, nawalan pa ako ng I.D. ngayon. Pero nakuha ko rin naman 'yung ID ko bago umuwi. Sana nga lang wala akong tapeworm subdivision sa tiyan.

===

Ngayon, balik tayo dun sa Korean Ice Cream. [Part 2 of 3]

Pagkatapos kong malaman na wala palang dambuhalang karatula ang tindahan ng Korean Ice Cream, nagpaka-Dora ako sa canteen para mahanap ang Ice Cream na iyon. Naalala ko tuloy 'yung spoof sa Bubble Gang. Tinatanong ni ChikaDORA kay DIEGO kung paano makakapunta sa tindahan. Ito ang sagot ni ChikaDORA: "Halaman, basurahan, tindahan!"

Anyway, pagkatapos ng mga 3 minutong paghahanap na parang 10 minutes na dahil walang kwenta ang endurance ko at madali akong mapagod, nahanap ko na ang ice cream stand. Congratulations! Happy yipee yehey! Binili ko na ang melon ice cream na matagal ko nang inaasam na mapasaakin. Tapos umalis na ako. Ngunit dahil sa taglay kong katakawan, bumalik ulit ako dun sa tindahan ng ice cream. Nalaman kong may mas masarap na ice cream pa silang binebenta. 'Yung parang isda na wafer (HINDI SIYA ACTUAL NA ISDA) na may lamang red bean paste tsaka Vanilla ice cream. Holy chit, ang sarap! Isa lang ang problema: sa dami ng nanghingi sa akin, kalahati lang 'yung nakain ko. Kaya nagpa-reserve na lang ako ng isa pang ganun, kukunin ko pag uuwi na ko. Pasalubong para kay mommy. Naks, thoughtful.

===

Kung nagkaroon na ako ng boyfriend, hindi ko hinahangad na dalhan niya ako ng mamahaling chocolate o isang buong lechon. Hindi ko hinahangad na makipag-date sa mamahalin na obscure Chinese restaurant sa Shangri-La.

Gusto ko lang na maging gentleman siya at magpakabait. At tsaka mamahalin ko sya lalo kung bibilhan niya ako ng bente pesos na kwek-kwek.

===

Utang na loob ituro niyo na sa akin kung saan mabibili 'yung Korean Ice Cream [Part 3 of 3]

So, nung pauwi na kami, binalikan ko na 'yung ice cream ko dun sa tindahan. Akala ko kasi uuwi na kami. Pero hindi pala. Pinapila kami sa school grounds. At mayroong teacher dun sa taas na nagsalita at nagsalita at nagsalita. 'Nak ng pochi, MALULUSAW NA ICE CREAM KO! At may balak pa atang mag-nobena 'yung mga nagsasalita sa harap.

Nung pinauwi na kami, huli na ang lahat. Nararamdaman ko na ang paglambot ng aking ice cream. Kaya nung nahanap ko 'yung service namin, binigay ko 'yung ice cream ko sa kapatid ko at sinabi ko sa kanyang itapat niya sa aircon 'yun hanggang makauwi kami para 'di malusaw.

'Yun nga lang, di gumana, dahil tinamad ang kapatid ko at hindi niya ginawa 'yung iniuutos ko. Kaya pag-uwi ko, nag-si-swimming na ang isdang wafer sa dagat ng lusaw na ice cream.

--x--

THINKING OUT LOUD!Where stories live. Discover now