Ah di ikaw ang pinatamaan ko sa status ko pero onga no wala ka ring kwentang tao

68 0 0
                                    

Paunang salita: Ay, patapos na ang summer habang sinusulat ko 'to. Parang wala na rin akong summer dahil may summer classes ako at dito sa bahay e apaka-busy namin. At wala na akong pake sa birthday ko happy yipee yehey who cares.

--x--

Kanina pinag-usapan nanaman namin sa bahay 'yung delubyo sa buhay ko dahil hindi ko pa rin alam kung ano kukunin kong course sa college. Tapos sabi sa akin ng kapatid ko na mag-culinary na lang rin ako. Alam naman yata natin kung anong mangyayari kung nag-culinary ako...

Unprettier: Ito na po ang culinary masterpiece ko... INSTANT MACARONI!!!

Sabi naman nung kapatid ko, "kaya ka nga mag cu-culinary para matuto magluto diba?" at sabi ko, "hindi pwede, dapat ako lang ang pinakamagaling sa klase ko". Wala naman yata akong God Complex o baka meron. Punyemas. 'Yung tipong i-se-set ko 'yung sarili ko sa mga unrealistic expectations all in the name of pride. Kulang na lang gumawa ako ng korona at i-appoint ko 'yung sarili ko bilang queen of the world. Watda!?!?

===

School's going to start in a few days, and I'll be going swirling back into a pool of depression land all over again. Bwiset.

Ba't ko ba masyadong pine-pressure ang sarili ko? Kahit 'yun nang mga magulang ko mismo ang nagsabi sa akin ng "OKAY NA ANG GRADES MO" e hindi pa rin ako tumitigil sa pag-pressure sa sarili ko. Lagi na lang. To the point na mawala na ang mental thinking capacity ko. Oi, lalo na nung first year ako, apaka mentally-unstable ko. For real. Kung pwede kong burahin ang mga taong 2010 at 2011 sa isipan ko at sa lahat ng nakakakilala sa akin e gagawin ko talaga. Sooo... ayan. Bagong school year, bagong classmates. Mukhang wala akong masyadong makaka-close.

Ngayong school year na ito, china-challenge ko ang sarili kong umarte ng... maarte at kikay [audience: HINDI KA KIKAY!!!]. Tingnan na lang natin kung ilang minuto (o segundo) tatagal 'yung walang patutunguhang proposition na 'yun...

===

Lagpas dalawang taon na ang nakalilipas.

Lagpas dalawang taon na ang nakalilipas since nagsimula akong sumubok na matutong mag-bike. Ay hindi, isang taon pa lang pala. Pero ayun, wala pa ring progress. Anak ng kalabaw. Pinagtatawanan ako nung mga tao sa bahay namin kasi nauna pa raw sa akin matuto mag-bike si Ryzza Mae dun sa Eat Bulaga. Tsaka 'yung kapatid ng dati kong kaklase na nasa elementary pa yata. Tsaka 'yung pinsan kong 8 years old.

Pero ngayon, nakahanap ako ng inspirational public figure. And much to my surprise, hindi rin siya marunong mag-bike YEHEY!!! Kaya may karamay ako. Pero 'yung "inspirational public figure" na iyon ay singer. Ako, nakakabasag ng bintana sa boses and not in a good way. Well then...

===

Pinapa-gwiyomi ng nanay ko 'yung aso namin. omg what the hell.

Kung isa kayo sa mga fan ko dito (sa wattpad hindi sa totoong buhay HAHAHA), nakita niyo na siguro 'yung mga tambak na status ko dito na "HINDI DANCE CRAZE ANG GWIYOMI OH MY GOD". At kung hindi kayo fan pero binabasa niyo 'to, isipin niyo nagbabasa kayo ng libro sa bookstore. Tapos hindi niyo bibilhin 'yung libro. Ganun ang feeling. Kahit konting donasyon lang po lol joke lang.

Minemorize ko 'yung gwiyomi bago pa 'to maging sikat. lol. Ang pasimuno sa gwiyomi ay si Ilhoon (< ilhoon yan hindi LLHOON) ng BtoB at hindi siya pinoy. At ngayon, maraming taong hindi maka-Kpop pero gumagaya ng gwiyomi para magpacute lang daw lol penge fansign. At marami nanamang bumabasura sa K-Pop music industry dahil dun sa kunsinumang nagpakalat ng gwiyomi virus dito sa lugar na hindi Korea. Saklolo!!!

===

Horror movies? Hindi gumagana 'yan sa akin.

Noong 3rd year high school kami, nanood kami ng Insidious sa laptop nung kaklase ko habang general practice ng feastday namin. Bale nagprapractice ng sayaw at kanta 'yung mga representative ng section namin, at lahat ng iba ay kumakain, natutulog, o nanonood ng Insidious.

Doon kami nag-practice sa backstage nung hall namin. Dalawang floor 'yun, pero maliit lang 'yung first floor kaya sa 2nd floor nagpapractice 'yung mga representative namin. Kami namang mga walang ginagawa, nagkumpulan doon sa first floor para manood ng Insidious.

Nagtitilian 'yung mga kaklase ko, pero ako naka-poker face lang at nagpapaypay kasi sino ba namang magaling ang umisip na ipagkumpol-kumpol ang labinlimang estudyante sa isang kwartong 10 sq ft. lang ang laki?

THINKING OUT LOUD!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon