"Kamusta tayo?"

146 2 0
                                    


Hoy, ito nanaman.
Akala ko ayos na, akala ko ayos na ako.
Hindi ako sigurado kung tama ba kasi ang naisip ko lang ay tama na.
Wala ako makausap,
Nihindi ko masilayan ang alapaap.
Ilang taon na rin ang nakalipas, kagaya nang pagsulat ko ng tula, matagal na rin noong huli akong gumawa.
Napapatanong ako, kung maiintindihan ninyo pa kaya o mapapasabi ka na lang na 'ayos lang iyan', ayos lang satingin ninyo kasi normal lang na nangyayari. Pakiramdam ko ay nawawalan ng bisa ang emosyon ko, dahil sa ganito talaga ang buhay.

Hindi ko inakalang babalik ako sa oras na ito, habang naka-upo sa kama na pinalilibutan ng dilim, pinipigilan ang ingay nang pag-iyak.
Katulad ng mga tula ko, hindi ko alam kung may papansin pa kaya dahil ilang taon na rin noong tumigil ako kasi akala ko tapos na ako rito. Naniwala ako na may tamang panahon para sa lahat, naniwala ako na oras o panahon lang ang may kayang gumamot sa sugat ng nakaraan kaso hindi ko na alam ngayon.

Ayos lang naman na ako naman ang umiyak ulit 'di ba?
Ayos lang naman na ako naman muna?
Hindi naman siguro masama kung ako muna ang hindi makaintindi?
Natatakot ako ngayon kasi baka hindi ko na kayang hintayin pa 'yung tamang panahon.

'Kamusta ka?'

Ngayon ko na lang ulit naramdaman 'yung sarili ko.

Binubuo ko ito para sabihin na
ayos lang umiyak,
ayos lang maglabas ng kung ano man ang nararamdaman,
'Kamusta ka?'
Oo, tinatanong kita.
Kaya pa ba ng salita ang lahat?
Kakayanin mo pa bang hintayin na panahon ang magsabi kung ayos ka na?
Kaya pa natin ito.

Kung mabasa mo man ito, sana simulan mo na kilalanin ang sarili mo bago ang ibang tao.

If you understand and accept who you are as a person, you can genuinely learn how to love yourself.

Spoken Word Poetry(Tagalog)Where stories live. Discover now