"Hindi ako Perpekto, kaya pasensya na"

1.3K 12 1
                                    


-

Nung nakaraan lang may nakapag sabi sakin.. mukha daw akong matanda o nanay , kasi ang taba ko, di ako marunong mag ayos.. pero kahit na ilang beses ko patibayin ang loob ko at pilitin ang sarili ko nahindi ako naaapektuhan at hindi ako nasasaktan sa tunay... sa tunay... na totoo naman lahat ng mga salitang binibigkas at pinamumukha nila sa akin.
Nahihiya ako mag suot ng bistida, ng mga pangpormang damit na kadalasan sinusuot ng mga mapapayat at hindi gaya ko'ng mataba..
Alam ko na sasabihin niyo..
"wag ka mag paapekto"
"Hayaan mo lang sila"
Pero sa totoo lang.. sa oras na nag papakatotoo ako, kami.. wala naman nag babago eh, patuloy niyo parin kaming huhusgahan, lalaitin na parang katapusan na ng mundo kaya sinusulit niyo na ang mga pwede niyong sabihin.
Or sa english pa nga..
"They tell you to be yourself, then they judge you"
Yun naman ang totoo. Yan ang totoo.
Ayaw ko na sa earth? Hahahaha ang dami kasing perpekto dito sa earth. Ang hirap maging tao.. pwedeng ba'ng maging alien na lang din ako? Pwede ba?
Kaso hindi pwede.. kasi pag nawala ako sa earth wala na silang pagtatawanan.. wala na silang iinsultuhin nakakahiya naman iwan sila.
Tuwing gabi...dilim na lang ang aking kaibigan,
Kwarto ko na lang ang aking sandalan,
Liwanag sa pamamagitan ng cellphone ko na lang ang aking kasiyahan, at dito sa wattpad na pinaggagawan ko ng tula ang aking mikropono, na pinagsusumbungan ng aking mga hinanain sa mundo.. tapos mangangapa ako sa dilim, hinahanap yung bestfriend ko'ng panyo na iniiyakan sa oras na papatak na ang luha'ng gusto ng kumawala.. na pinipigilan baka kasi hindi na ako huminto sa pag hikbi at pag iisip na mga bagay bagay... kung bakit ako ganito? At paulit ulit sinasabi habang humahagulgul.. na hindi ako perpekto, kaya pasensya na.

Spoken Word Poetry(Tagalog)Where stories live. Discover now