"Tanggap ko"

1K 11 10
                                    


Walang tayo,
Tanggap ko,
M.U lang tayo,
Tanggap ko,
Hanggang sa tapos na ang ugnayan sating dalawa.. oo tanggap ko.
Tanggap ko naman na hindi na pwedeng maging tayo, dahil nga may iba ka ng gusto.. at hindi ako.
Ang dami ko'ng tanong sa isipan ko kung bakit bigla nawala yung pangako mo, yung mga sinasabi mo'ng.. "mag hihintay ako hanggang sa handa ka ng maging tayo" tapos yung mga paalala at mensahe mo na lalo nag papintig sa puso ko para umibig sa tulad mo.
Tanggap ko na wala naman akong karapatan mag reklamo dahil sa una palang wala namang tayo.. hindi ko naman masisisi ang puso mo kung bakit hindi mo na ako gusto, kung bakit hindi na ako..
Tanggap ko.
Pinagtataka ko lang talaga bakit nung mga unang araw sa atin ay pakiramdam ko mahal mo talaga ako, gusto mo talaga ako.. pero ako naninibago at hindi pa sigurado.. pero lumipas ang linggo, lumamig ka sa piling ko. Hanggang sa napagtanto ko na mahal na kita pero mukhang ikaw ay tinamaan na sa iba.
Ang sakit.. dahil bakit kung kailan sigurado na ako saka ka pa lilisan sa piling ko.
Pero wag ka mag alala.. tanggap ko na hindi na magiging tayo.. pero kasi alam ko sa sarili ko na tanggap ko pero masakit pa rin sinta ko. Lalo na nung bigla ka nawala tapos ngayon babalik ka alam mo sa totoo lang makakamove on na ako eh.. konti na lang kaso bumalik ka yan tuloy.. back to zero. Sana sa susunod wag ka pabigla biglang babalik kasi hindi pa ako sigurado.. kung mahal pa ba kita. Pero tanggap ko naman na hindi na magiging tayo.

Spoken Word Poetry(Tagalog)Where stories live. Discover now