"Sa wakas"

1.7K 4 0
                                    

-

Sa wakas,
natapos na.
Ang mga araw na hindi ko na mabilang dahil sa lungkot at pag kabulag sa katotohanan.
Katotohanan na hindi ko matanggap, katotohanan na inaasahan ko'ng hindi totoo at pwede pang mabawi.
Natapos na... ang panahon ng paglamig sa aking paligid, panahon kung saan bumagsak ang luha na hindi mapigilan at sinabayan ng malakas na ulan. Na bumabagsak sa bubong ng aming bahay. Ulan na hindi ko alam kung gaano katagal, lamig na hindi ko din alam kung may mararamdaman pa bang init sa sobrang sakit ng nadarama.
Isang gabi may nabasa ako... isang sulat para sa babaeng iniibig mo, hindi ko alam kung bakit.. kung bakit may tumulong luha mula sa sarili ko'ng mga mata. Napatingala at napasabing "sorry pero mahal kita" sa wakas na banggit ko na din ang salitang tinatanggi ko araw araw. Kinabukasan gumising ako... at yun ang araw ng pag bangon ko. Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa aking mata. Hindi ko alam kung bakit pero napangiti ako, napangiti ako at sumaya... di ko alam pero ang saya ko. Muli kitang tinignan mula sa malayo at malapit. Ang saya ko dahil ito na yung totoo..walang biro. Tapos na ang kadiliman sa puso at isip ko, sa paligid, sa mundo ko. Natapos na ang bangungot at ako ay nagising na. Sa wakas.

Spoken Word Poetry(Tagalog)Where stories live. Discover now