"Salamat"

3.4K 17 1
                                    

-

Malalim na ang gabi,
Wala na ang mga bumibili sa tindahan na nasa ilalim ng buwan.
Mabilis matapos ang gabi pero tila ang tagal matapos ngayon, walang bitwin at ang bilog na buwan lang ang aking naaaninag at ang ulap na dumadaan dito.
Pumikit ako na nag babakasakali na dumating ang mga bitwin.. na dumating...ka.
Pero hindi pa ako dumidilat ramdam ko ng may tumulong luha sa aking mata.. hanggang sa maging hagulgol.. hanggang sa hindi ko na kayang pigilan at napatakip ng mukha na pilit pari'ng pinipigilan ang mga mabigat na napuno ng sakit.
Bakit ganito?
Bakit nangyayari to?
Bakit bigla na lang na wala ang tayo?
Bakit ka sumuko?
Sabi mo walang dulo sa ating dalawa dahil habang buhay merong tayo pero bakit ngayon nandito tayo sa magkabilang dulo ng daan patungo sa ibang lugar na kung saan nag simula na ang tuldok sa pagitan nating dalawa.
Na nag papatunay na wala ng tayo..
Malayo na ang distansya nating dalawa, kailangan ng iwasan, baguhin ang mga nakasanayan sa araw araw na buhay. Dahil tapos na ang laban na dapat ay walang hanggan...pero mukhang ayaw ng tadhana.
Naalala ko ng huli tayo magkita ngumiti ka lang mula sa kabilang daan at ngumiti rin ako tapos tumalikod na at hindi na lumingon pa dahil sa oras na ito hinihiling ko na sana bukas pag lingon ko sayo ay wala na ang sakit na iyo'y pinaramdam.
Masakit mag paraya ng taong dahilan ng pagiging masaya,
Pero kailangan dahil mas sasaya ako kung mas sasaya ka sa piling ng iba.
Muli akong dumilat at tumingin sa buwan..salamat sa lahat, salamat sa kilig, salamat sa tamis na pagmamahal sa pait at sakit..salamat.
Magkikita tayo ulit at hindi ako magsisisi sa panahon na may mahal ka ng iba, salamat dahil minsan nadin nag karoon ng tayo.

Spoken Word Poetry(Tagalog)Where stories live. Discover now