"Pansamantala"

2.7K 16 0
                                    

-

Nakalimutan ko wala palang tayo,
Nakalimutan ko... Hindi mo pala ako  gusto,
Hanggang pasimpleng tingin na lang ako,
Pero..
Hindi ko makakalimutan ang mga araw na pinakilig, kasabay ng dugdug ng puso kong humihimig.
Hindi ko makakalimutan ang pansamantalang kasama ka, pansamantalang tayo lang magkasama,
Pansamantala...
Akala ko, kaya ko na mag pigil ng nararamdaman para maiwasan ang masaktan, pero nag kamali ako... Kahit anong pigil ko sa kilig at saya pag ikaw na ang kaharap ay nawawala ang mga pangako ng kahapon.
Pangakong tama na.. mag kagusto sa mga taong iba ang gusto,
Pangakong bawal... Bawal ng umibig dahil sa sakit ng naranasan ng nakaraan.
Pero ngayon nahulog ako sa bitag, nahulog ang natutulog kong puso sa taong walang pakielam.
Bakit ganun? Nung hindi pa kita gusto... lagi tayo mag kasama? Pero ngayon.. hindi pa ako umaamin pero ang layo layo mo na.
Grabe naman si tadhana..hindi ko naman intension na mahulog sayo, kasalanan kasi to ng ngiti mo, ng itsura mo, sagabal ka! Pero gusto pa rin kita..
Ayaw ko sayo dahil may pagkamayabang ka,
Pero gusto kita dahil pinapasaya mo ako,
Ayaw ko sayo dahil naiinis ako,
Pero gusto kita kasi pinangingiti mo ako.
Pero tila hindi na mauulit ang pansamantala ng kahapon, pansamantala'ng tayo lang,
pansamantala'ng kilig,
Pansamantala..
Sana pag ka gising ko wala na to,
At sana pansamantala lang din ang feelings ko sayo.

Spoken Word Poetry(Tagalog)Where stories live. Discover now