"Walang Tayo"

5.6K 56 11
                                    

-
Oo, walang tayo
Pero ang pag mamahal ko ay totoo,
Oo, walang tayo
Pero sayo'ng sayo lang ako,
Oo, walang tayo
Pero hindi ibig sabihin titigil na ako,
Mahal mo sya,
Mahal kita,
Isang istorya ng mga tanga,
Istorya na nabuo sa taong manhid na aking inibig,
Inibig na patago
Sa mga mata'ng
mapang husga,
Mula sa lungga
Na sila ay iniluwa.
Oo, walang tayo
Pero kaya kitang ipaglaban dahil yun ang aking nararamdaman,
Sa twing ikaw ay masusulyapan,
Sa twing ikaw ay matatanaw sa di ka layuan ng sinag ng araw.
Oo, walang tayo..
Walang ikaw at ako,
Wala.. kasi iba ang gusto mo,
iba ang nasa puso mo,
Pero ikaw..
Nandito ka na simula pa lang ng tula'ng to.
Oo nga walang tayo
Paulit ulit na naririnig
Pero hindi parin natuto
Kaya paulit ulit paring nasasaktan kasi nga walang tayo..

Spoken Word Poetry(Tagalog)Where stories live. Discover now