"Bagong Pahina"

1.3K 9 0
                                    

-
Nangako ako na hindi na ako muling iibig sa mundong ito,
Nangako ako na hindi na ulit ako aasa sa taong paasa,
Nangako ako na hindi na ako mag mamahal ng iba bukod sayo,
Pero simula nang magising ako sa panaginip na katakot takot balikan... simula nung dinilat ko ang aking mga mata... nagising ako at napagtanto na tapos na ang istorya nating dalawa... ang dating tayo... ay ngayon ikaw at ako na lang dahil may kayo na walang tayo.
Simula ng mapagtanto ko na hindi na.. hindi na sayo umiikot ang mundo ko, dahil simula pa lang dapat noon... hindi ko pinaikot ang mundo ko para sayo. Dapat hindi ko ginawa.. para hindi ganito ang aking kinahinatnan, at sakit ng aking nararamdaman. Pero tapos na.. ang delubyo na pinaranas mo sa tulad ko. Ngayon may dumating isang taong nag papangiti, nagpapasaya, sa tulad ko. Sa tulad ko na iniwan mo, sa tulad ko na umiyak dati para sayo. Ngayon may mahal ng bago parang ikaw may bago na. Pero di ako nag mahal ulit para maging parehas tayo'ng mag karoon ng bago. Dahil kusa syang dumating, at kusang nahulog ang loob ko sakanya, kusa ko syang minahal, kusa nya akong minahal...
Ngayon nag papasalamat ako at iniwan mo ako, at tinuruan kung pano maging matapang at palaban, salamat sa pansamantalang kilig at pangmatagalang sakit.. salamat.
Ngayon kasama ko ang taong mahal ko, sa kilig, sa iyak, sa sakit, sa kalokohan naming dalawa. Salamat sayo. At nagkita ang tulad naming dalawa. Ito ang desisyon ng tadhana at bagong pahina ng aming istorya.

Spoken Word Poetry(Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon