"Ikaw at Ako, walang tayo"

1.7K 19 0
                                    


-
Hello nga pala sayo.
Tapos nanaman ang araw na ito at may darating nanaman na bagong pahina sa buhay nating dalawa.. ikaw at ako.. ako na mahal ka, ikaw na mahal ako.
Pero walang tayo..
Walang tayo kasi... hindi ko alam. O talagang hindi pa tayo sigurado sa pag ibig natin'g dalawa. Pero bakit kung makaarte tayo parang merong tayo? Pag may kasama akong iba ikaw itong hindi mapinta ang mukha sa pagkunot ng noo. Ako na hindi makahinga ng maayos pag nakita kang masaya sa piling ng iba..
Bakit ako nag seselos? Pero wala naman akong karapatan.. kasi nga hindi tayo.
Pero siguro naman may karapatan akong magreklamo dahil ako'y nasasaktan na rin.
Sa mga kilos mo at binibitawang salita ako ay naaapektuhan,
Pag nakita kang nag hahanap ng makakasama o makakausap man lang.. ako ay nagtataka dahil nandito lang naman ako sa tabi mo sinta. Sa twing ikaw ay malungkot.. gusto ko ako kasama mo, sa twing ikaw ay masaya gusto ko isa ako sa mga dahilan, sa twing ikaw ay umiiyak at nasasaktan gusto ko.. karamay mo ko. Pero susuko na ata ako. Na mangyari ang mga ito. Kung di magiging totoo, kung di magiging akin, baka pwedeng itigil na natin to? Kung laro lang to para sayo, out na ako.. dahil talo na. Ako ulit yung talo. Pero may gusto nga pala ako sabihin sayo, kahit ito lang masabi ko na totoo at seryoso..
"Mahal kita kahit walang tayo" oo ikaw at ako, walang tayo.

Spoken Word Poetry(Tagalog)Where stories live. Discover now