"Sa oras na ito"

1.9K 2 0
                                    


-

Pagbuhos ng malakas na ulan kasabay ng pag hagulgol ko sa oras na ito.
Sa oras na iniwan mo ako sa gitna ng kawalan...
Hindi makagalaw sa daan dahil sa mga binitiwang salita mula sa iyong labi na bumabalik balik sa pandinig.
Mga busina ng sasakyan ang aking naririnig, mga sigawan ng mga tao sa paligid, malakas na bagsak ng ulan na tila hindi na hihinto, na tila galit na galit sa oras na ito. Naglalakad ka papunta sa malayo at iniwan akong nakatayo sa lugar ng kawalan, sa lugar kung saan mo ako tinalikuran... palayo ka ng palayo hanggang lumabo ang pagtanaw ko sayo, mga ilaw sa paligid ay hindi malinaw kung mapupundi na ba o mas lalong nakakasilaw, ang pagbuhos ng ulan ay mas lalong lumalakas..
Sinubukan habulin ka... pero tila nakadikit na ang paa at tumigas na ang binti sa kinakatayuan kung saan binitawan mo ang salita na parang sirang plakang paulit ulit....paulit ulit, pabalik balik, ang boses mo kasama ang salitang binitiwan...na

"paalam na.."

"paalam na.."

"paalam na.."

Humagulgol sa sakit dahil sa dinulot mo na nag wasak sa sarili ko mga salitang hindi ko akalain babanggitin mo sa oras na ito.. sa oras na kung saan sinabayan ako ng kalangitan sa pag iyak...sa kalungkutan..
Habang nakatayo sa kawalan ay may bumusina sa aking likuran na dahilan para bumalik lahat ng masaya at malungkot na alaala na natunghayan ko sa buhay mga tawanan kasama ka mga pag iyak kasama ang pamilya mga kalokohan kasama ang barkada...papalapit ng papalapit palakas ng palakas ang tunog ng hindi ko na alam kung saan ito nanggagaling...
hanggang sa hindi ko na malayan na nakahiga na ako sa semento ng kawalan..at may naramdamang may tumutulo sa ulo at nawalan na ng malay.
Sa oras na ito ang aking hiling ay sana hindi na magising pa.
Pero mukhang hindi ko pa oras at naimulat ko ang aking mata at sumalubong saakin ang puting kisame at inilibot ang mata at nakita ko ang mga dahilan kung bakit kailangan ko lumaban at mabuhay. Sa oras na ito ay nag papasalamat ako dahil sayo nakita ko ang mga taong nagmamahal at handa akong ipaglaban...at kahit kailan hindi ako iiwanan..sa oras na ito masaya na ako sa buhay ko kahit wala ka sa piling ko.

Spoken Word Poetry(Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon