"Para Sa Manloloko"

2.5K 17 1
                                    

Itong tulang to ay para sa mga taong manloloko. Gaya ko nabiktima na din ako ng isang manloloko, naalala ko yung sinabi niyang.. "mapasakin ka lang hindi na ako lalandi sa iba" pero nung napasakanya ako.. yun lahat ata ng nakakausap niya may 'ko' sa dulo ng pangalan. Tatawagin niya akong "baby ko" nakatulog lang ako may tinatawag na siyang
"Hani ko"
"Jane ko"
"Kyle ko"
"Shei ko"
So ano balak mo?
Mag bubuo ka ng soccer team?
Bakit ba sa dinami dami ng pwedeng paglaruan sa mundong ito ay ako pa.. kami pa.. kami pa ang paglalaruan niyo.
Mukha ba kaming bola? Na pagpapapasahan niyo at paglalaruan hanggang kailan niyo gusto.
Mukha ba kaming adobo? Monggo? Minudo? Tinola? Na pag pipilian niyo at pag natikman na lilipat na sa ibang reserba.
Hindi pa ba kayo nag sasawa sa mga babaeng gumagawa ng malulungkot at masasakit na linya, na pinopost sa social media. Mga umiiyak sa kalsada, mga nag mumuni muni sa tabi tabi. At bigla bigla na lang luluha pag naalala niya ang taong sineryoso niya pero sinaktan lang siya dahil ang taong yun ay isang manlolokong tulad ng iba.
Kuyang manloloko ilan na ba ang nasaktan at napaiyak o napaasa mo ngayong buwan na ito? Dalawa ba? Lima? Sampu? Dose? Trese? Ano sumagot ka! O baka naman lagpas na sa kalendaryo ang babaeng nabiktima mo.
Balak mo pa bang lagpasan ang pinaka mataas na numero sa bingo? Baka naman bago matapos ang taon na ito ay nahigitan mo na ang bilang ng isang libong piso? Kung pera lang siguro kaming mga babae siguro mayaman na kayong mga manloloko.
Para sabihin ko sainyo hindi kami offline o online games na pampalipas oras niyo lang. Nakapag nagsawa i-unstall mo na at mag install ka ulit ng iba.
Hindi din kami damit na pang porma na sa una niyo lang paborito at pag may nakita kang bago kakalimutan niyo na lang kami.
At para sa lalaking ganito itrato ang mga babaeng kagaya ko.. isa kang alamat na gago.

Spoken Word Poetry(Tagalog)Where stories live. Discover now