"Susuko na"

1K 6 0
                                    

Tama na..
Tigilan  na
Tama na ang kasinungalingan na minahal mo ako.
Tigilan na ang kahibangan na babalik ka.
Nabasa ko ulit yung tulang ginawa mo para sa akin.. Oo paulit ulit kong binabasa kaya patuloy akong umaasa.. na darating ang panahon na tayo na walang hanggan.
Minahal kita sa kaunting panahon na tayo pa, pero mabilis ka rin sakin nawala na parang bula na sa una ay maganda pero unti unting hindi na makita ang halaga ko para sayo.
Mahalaga nga ba ako sayo? Kahit na ayos lang sayo na masaktan ako. Umaasa pa rin ako hanggang ngayon..
Pero ako na lang kasi yung umaasa.. at mukhang gaga na umaasa at nag hihintay sa wala..
Dapat matagal ko na itong ginawa bago pa mas lumalim ang pag ibig ko sayo. Pero hindi ko ginawa at mas pinili kong umasa sa wala.
Alam mo.. sa totoo lang hindi ko maramdaman na iniwan mo ako, dahil pakiramdam ko tinalikuran habang pinapangakuan mo ako sa pangakong pinanghawakan ko ng matagal na panahon pero para sayo wala lang.. parang ako sayo.. wala lang..
Suko na, susuko na..
Ayaw ko na..
Suko na ako na babalik ka pa, susuko na ako na magiging tayo pa..
Ayaw ko na maniwala sa panaginip na ako lang naman ang bumubuo at ako na ang tatapos, dahil hindi lahat ng dulo ay masaya.
Nag simula sa "hi" nagtapos sa "bye".
Susuko na ako para sa ikaaayos ko.
Pero tandaan mo mawala man ang pagmamahal ko hindi ka pa rin mawawala sa isip ko. Pero sa ngayon susuko na ako. Sa istorya na ikaw ang nag umpisa ako ang tatapos ng linya.

Spoken Word Poetry(Tagalog)Where stories live. Discover now