"Pag babago"

2.9K 12 1
                                    

Wag ka mag taka...
Kung paunti unti kaming lumalayo
Sa tulad mong hindi namin maintindihan.
Wag kang mag taka...
Dahil dadating ang oras na matatapos din to'ng logic na to.
Para sayo...
Sayo na kailangan ng bago para matakpan ang nakaraan,
Na nais mong mabura sa kasalukuyan.
Sayo na bago..
Binago na ng isip at nasaktang puso mo,
At sa unti unting pag babago mo at pag taas.... hindi mo na namalayang naiwan mo na pala kami....
Na pilit kang inaabot, iniintindi... pero ng hawakan kita,
Lumamig ang kapaligiran,
Tumigas ang damuhan,
Nag umapaw ang maalat na tubig,
Mula sa iyak ng isang bulalakaw..
Tinignan kita mula sa mata hanggang sa paa..
Hindi na ikaw yung kilala ko..
Yung simple lang
Yung maingay
Na kapag tumahimik
Halos nag aalala ang lahat.
Naisip mo bang sa pag babago mo may maaapektuhan?
Naisip mo bang pag nag bago ka hindi ka na nila sasaktan?
Yung iba nga diyan pinakawalan na si birhen!
Iniwan at nasasaktan parin..
Nasan na yung kaibigan ko?
Nakita mo ba siya? Nakita niyo ba siya?
Kung oo... ibalik niyo na..
At kung hindi edi hindi.
Masama pilitin ang ayaw
Mahirap turuan ang taong naliligaw
Kung sa tingin mo masaya ka dahil sa mga bagong tao na kasama mo,
Kung sa tingin mo mali kami,
Kung sa tingin mo tama na.
hindi mo na kailangan sabihin...
Dahil handa naman kaming tanggapin ang desisyon mo
Pero wag mo ng asahan na kasama mo parin kami sa ginawa mo dahil simula palang wala na kami sa plano mo...
Ni hindi mo nga sinabi na plano mo maging refrigerator
Sa sobrang lamig...
With matching bituka mo yung yelo..
Siguro hanggang dito na lang talaga,
Ang road trip nating mag babarkada.
Kaya sige.. ito na huling sasabihin ko sayo,
Salamat sa mga abiso,
Salamat sa masasaya at madramang alaala,
Salamat sa pag papatawa,
Salamat at isa ka sa dahilan kung bakit ako ganito ngayon,
Salamat at Paalam na kaibigan.

Spoken Word Poetry(Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon