"Sana, Baka, Umaasa"

447 6 0
                                    

-
Alam niyo yung pakiramdam na ok na, masaya na, kaya na ulit..
Alam niyo yung pakiramdam na wala na, maayos na ang puso at wala ng masakit..
Alam niyo yung pakiramdam na dahil matagal na dapat wala na..
Pero sa pinaka ilalim pala ng pakiramdam na yun ay ang isang tibok na umaasang.. Sana may pag asa pa.. Baka sakaling mag kita kami sa daan, baka sakaling, magkasalubong kami, baka sakaling makatabi ko sya ng walang kamalaymalay baka sakali... Merong SANA, BAKA, UMAASA na makita ka muli.

Mahal.. Mahigit tatlong taon na at bumibilang parin ako hanggang sa makasama ka,
Mahal.. Magbibilang parin ako hanggang umabot pa to ng sampung taon sa paghihintay ko sa tamang panahon na pinanghahawakan ko na baka lang naman..

Mahal, walang kasiguraduhan ang pag taya ko sa pag ibig na ako lang ang naglalaro kasi matagal ka ng umayaw pero nandito parin ako nag babakasakaling bumalik ka at mag laro tayo ulit.

Tanga? Hindi ako tanga nag mamahal lang ako. Masama na ba magmahal? Kabobohan na ba ang umibig? Talo lang ako pero di ako tanga!

Natalo ako sa pag ibig na to kahit ako yung iniwan.
Siya ang nang iwan pero parang ako yung talunan
Siya yung umalis pero parang ako yung mali.

Mahal..

Wag ka mag alala desisyon ko ang umasa at wala kang sala,
Mag mahal ka lang ng taong alam mong masaya ka,
Dahil kahit na umaasa ako mas gusto ko parin yung masaya ka kahit hindi ako ang iyong kasama.



-

A/N:
Long time no update mga ka awit! naalala ko lang ulit siya kaya napasulat ako out of the pink moon.

Spoken Word Poetry(Tagalog)Where stories live. Discover now