"Paalam"

2K 10 0
                                    

-
Ito na siguro ang tunay na dulo sa pagitan nating dalawa,
Ito na ata yung panahon kung saan ngingiti na lang ako at sasabihing paalam na.
Ito na nga yun! yung oras na hinihintay ko para sabihin ang salitang tama na..
Mahal? Tapos na ako diyan sa pag banggit ng mahal sayo. Siguro ikaw na lang.. sa pangalan mo na lang... alam mo di naman ako nanghahangad na mag karoon ng tayo, ang hiling ko lang maniwala ka na minahal kita. Nasabi ko na ata sayo lahat ng gusto ko'ng sabihin pero bakit ganun? Alam kong mapag biro ako pero ang pag amin sayo ay tinawanan mo lang.
Ikaw na minahal ko mahigit kalahating taon ay pinapalaya ko na sa sala na ginawa mo...sa sala'ng pag bibigay motibo para mahalin ka ng todo. Salamat sa araw na sinabi mo na mahal mo ako, kahit hindi ako naniniwala dahil simula pa lang ikaw ang unang hindi nag tiwala.
Ilan beses ko na ba sinabi sayo ang salitang mahal kita?
Ilan beses na ba ako umiyak maniwala ka lang sinta?
Ilang tula pa ba ang kailangan para mapatunayan na minamahal kita?
Na minahal kita...
Ikaw, mabasa mo man to o hindi pero gusto ko lang sabihin ang paulit ulit ko'ng binabanggit ang salitang mahal kita.. pero ngayon tama na. Sabi nga sa kantang malaya ni moira ay.. susuko na ang sandata, aatras na sa laban.. di dahil naduduwag kundi dahil... mahal kita.
Susuko na ako sa pag asang mapasayo at mapasakin ka muli. Susuko na ako sa pag papanggap na hindi ako nasasaktan.
Susuko na ako... dahil sobra na.. kaya hanggang dito na lang paalam na.

Spoken Word Poetry(Tagalog)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora