"Baka pwede pa"

2.3K 9 0
                                    


-
Umaasa ako, aminin ko yun.
Kahit na nag mumukha na akong tanga sa paningin ng iba... sa paningin mo kasi mahal kita.
Mahal kita..kahit mahal mo siya,
Kahit wala na akong pag asa,
Pero baka naman pwede...ako na lang?
Baka naman pwede tayo nalang ulit?
Kahit na masakit isipin na siya talaga..
Pero baka naman pwede mo akong payagan na mahalin kita, na iparamdam ko sayo ang pag mamahal ko, baka lang naman...pwede.
Bakasakali kasing mahalin mo rin ako..baka lang.
Oo, alam ko naman na mahal mo siya, na siya lang wala ng iba.. pero baka pwedeng ako na lang.. baka lang naman.
Pero diba minsan mo na din akong minahal ng ganyan? Minahal ng pansamantala? Baka pwedeng ituloy natin ang istorya nating dalawa.
Istorya na tayo lang, ikaw, ako at walang iba. Na parang may sarili tayong mundo at nagmamahalan tayo ng seryoso....baka lang pwede tayo na lang?
Mahal, nagbabakasakali ako...kaya sana pumunta ka naman sa tagpuan kung saan sinagot kita ng oo at hindi biro, mahal, lagi kitang hinihintay doon na nag babakasakali na baka pwedeng tayo na lang ulit.
Kung sakaling pumunta ka...sana bitbit mo ulit ang pangakong mamahalin mo ako magpakailanman...
At dumating ka nga.. nakatayo ka sa harapan ko na walang ka emotion ang mukha, ngumiti ako at muntik na maluha sa tuwa..pero bigla din to'ng nag laho dahil sabi mo..
"Sorry.. mahal ko siya" huminto ang oras, dahan dahan ka umalis sa harapan ko at bumagsak ang luha na kanina ay gusto na tumulo dahil sa saya pero ngayon para akong sinaksak mula sa likod, dibdib.. at sinabi ko ang sinabi mo na "mahal mo siya..." napaupo, natulala sa nasubaybayan na salita.
Lumuha ulit dahil sa sakit,
At ngayon bumangon ako sa sarili kong katangahan na pinagtatawanan ng mga matang kanina pa nakatingin.
Oo, tanga ako dahil nag mahal ako..
Oo, umasa ako dahil nag mahal ako..
Nag babakasakali lang naman ako na baka pwede pa....kahit hindi na.

Spoken Word Poetry(Tagalog)Where stories live. Discover now