"Naiwan"

1.9K 10 0
                                    

-
Ako nga pala yung kaibigan mo na bestfriend mo na tropa mo na kasama mo ng apat na taon.
Ako nga pala yung nakikinig sayo nag papangiti sayo..ako nga pala yung old friend mo.
Oo, old friend kasi may new friend ka na... bago, bagong kaibigan, bagong bestfriend, bagong tropa at bago.
Sino ba naman ako? Old nga eh ang kulit....na ang sakit. Taon na ang lumipas pero siya months lang. Oo naging close kayo. Pero paano naman ako? Tao ako hindi bato. Alam mo yung masakit? Yung nasasabi mo sa kaniya mga sekreto mo na kahit kailan hindi mo sa akin nabanggit. Alam niyo yung nakakainis? Yung siya alam niya kung sino ang umaaligid sayo... pero ako ito nganga..walang alam sa nangyayari sa buhay mo. Sino ba naman kasi ako? Old lang
Bestfriend mo ako diba? Tapos bestfriend mo din siya? Ano yun pati sa kaibigan timer na din?
Selos? Oo nag seselos ako! Naiinis ako! Ano nga naman pala alam ko sa lovelife na yan eh NBSB nga ako diba kaya okay lang ayos lang...
Okay lang na hindi kita samahan kasi nandiyan siya..
Ayos lang na hindi mo ako kasama dahil meron na siya..
Parehas kayong KJ edi kayo na... bagay kayong mag bestfriend.
At ako ito.. nag tatago ng emotion at isinusulat lahat ng nakatago sa aking puso't isip sa isang papel na makapal na nag babakasakali pag katapos ko ay wala na yung bigat na nararamdaman.
Mas pinili kong hindi makipag kaibigan sa iba para hindi ka iwan, para hindi niyo masabi sa akin na nag bago ako...na pinagpalit ko kayo. Pero ang kalagayan ko ngayon ay ako ang naiwan.

Spoken Word Poetry(Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon