"Kabataan"

1.4K 8 0
                                    


Kabataan? Panigurado pag narinig yan ng sanlibutan ipapakalat nilang parepareho lang ang kabataan.
Nalaman nilang maraming nabubuntis na kabataan, sasabihin iba na talaga ang panahon at bawat makita ay huhusgahan.
Para sabihin ko sainyo hindi parepareho ang kabataan, mga nakikita niyo kasi mga kasayahan na kinagigiliwan namin pero di niyo naman nakikita ang mabubuting gawain namin.. Paano niyo ba makikita? kung kayong mga matatanda ay agad kaming minamaliit sa aming kakayahan na pwedeng mag dulot ng kalayaan.
Kabataan? Noon at ngayon, pinagkukumpara ng mamamayan.. Sila mga taong hindi makapaniwalang wala na ang kanilang kinagisnan at iba na ang kanilang kapanahunan. Pareho lang naman may sumikat noon na sayaw ginaya niyo, may sumikat din ngayon ginawa lang din namin.
Gumagala kayo noon? Kami din ngayon.
At isa pa maraming kabataan at isa na ako doon na umiidolo sa mga grupo na galing korea, binabash at pinagagalitan ang mga kabataan na nahihilig dito. Ano bang mali sa pag iidolo sa mga ito? Bakit kpop band lang ang hinuhusgahan niyo? Dahil sumisikat na dito sa ating bansa?
Minsan nanood ako sa youtube ng anime yung mga pang 90s katulad ng slamdunk, detective conan tapos may nabasa ako sa comment na "mas maganda pa yung mga ganitong anime, kaysa sa mga kpop na iniidolo ng mga kabataan" ito, yan ang sinasabi ko hindi kami parepareho.. Ako, hindi ako 90s pero mahilig ako sa anime, mahilig ako sa kpop group at marami din ang may ayaw dito.. Dahil hindi kami parepareho..
Sana maunawaan niyo kami..
Sasabihin niyo hindi niyo naman naiintindihan yung sinasabi nila at wala kaming matutunan at itong bansa natin ang aming suportahan. Gusto ko lang sabihin na kaya nga nauso ang pag aaral para may matutunan at pwede din kami mag aral ng ibang lenggwahe may matutunan pa kami. At isa pa, alam niyo ba yung pakiramdam.. na mag isa? Oo may pamilya kami pero kayong kababayan ko.. Onting pagkakamali lang namin wala na kaming kwenta sa paningin ng iyong mga mata at takbo ng inyong isipan. Mundo ng kpop ang nagparamdam sa amin kung paano muli mangarap.
Sana matapos na ang ganitong sitwasyon..
Ikumpara pa nga lang kami ng aming mga magulang sa iba.. nakakabadtrip na.. Paano pa kaya kung nilalait kami ng sarili naming bayan..
Kabataan noon at ngayon ay mag kaiba at magkakaiba din kami.. Hindi pareparehas ang kabataan ngayon.. May maharot, may marupok, may nakatahimik, may nag aaral ng mabuti para ang kinabukasan ay mapabuti.. Pero wag niyo naman sana kaming husgahan dahil lang sa pag kakamali ng isa..
Sabi nga diba kabataan ang pag asa ng bayan.. Pero paano kung ang mga nakakatanda sa amin na dapat kami ay suportahan at pahalagahan ay sila naman itong ang baba ng tingin sa amin na nag sisimula pa lang sa buhay na amin sasapitin.

Spoken Word Poetry(Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon