"Katanga"

979 5 0
                                    

-
"I love you"
"Labyu"
"Mahal kita"
Paulit ulit ko'ng naririnig mula sa isip ko, mula sa pag alala ng mga sinabi mo, na pinarinig at saglit na pinadama mo sakin..
Iniisip ko noon.. paano kung masanay ako, sa araw araw mo akong iniiwanan ng mga katagang yan? Paano kung dumating ang araw na hindi mo na kaya sabihin sa akin ang katagang yan? At ngayon nangyari na nga. Kung noon ay iniisip ko palang pero ngayon nadadama ko na. Kung noon wala pa ako sinasabi o ginagawa may sasabihin ka ng "mahal kita" pero bakit ngayon? Tila hinihintay ko pang sabihin mo..? Pero iniisip ko baka hinihintay mo'ng ako naman ang una mag sabi, kaya sinabi ko'ng mahal kita.. pero bakit wala ako natanggap ng "mahal din kita"?. Bakit ganun? Hindi ba ikaw una nagtapat ng pag ibig mo'ng pinagpipilitan mo'ng paniwalaan ko? Hindi ba ikaw yung unang nag mahal satin dalawa?
Pero ngayon natutunan,
naramdaman ko ng... mahal kita.
Pero bakit ngayon pa?
Ngayon mo pa pinaramdam,
Ngayon mo pa sinabi at pinamukha na hindi mo na ako mahal... ang bilis mo naman mag sawa.. bakit naman ganon? Mahal naman bakit ganon? Sagotin mo ako dahil hirap na hirap na ako! Sa kakaisip kung bakit hindi mo masabi ang mga katagang paulit ulit mong binibigkas, bakit ang mga lambing mo sa akin ay tila nag laho na?
Mahal mo nga ba talaga ako? Ay oo nga pala sabi mo hindi mo na ako mahal.. pero minahal mo nga ba talaga ako? Mahal kahit ngayon lang maging tapat ka naman.
Nauubusan na ako ng mga salita, effort para tanungin ka at sagutin ang mga tanong ko.
Mahal, kung mahal mo ko hindi mo ako basta iiwan na lang lalo na ngayon mahal na kita...
Ang mga katagang pinatatak mo sa pandinig ko at isip ko mahal.. mula sa kataga naging katanga na sa akin.

Spoken Word Poetry(Tagalog)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora