"Paano na?"

1.8K 5 0
                                    

-

Ang lakas.. Ang lakas ng puso kong tumitibok sa twing ikaw ay kumakatok,
Hindi ko maipaliwanag ang saya sa twing makikita kita sinta,
Hindi ko alam ang gagawin sa twing ikaw ay masusulyapan. Gusto kita makasama, makausap, makapiling. Dahil lumevel up na ata ang aking feelings, sa bawat kilos at bitaw ng mga salita ay nag iiba ang meaning. Paano na..? Ano ng gagawin ko? Dahil wala akong magawa kundi panoorin ka na lang mula sa malayo.
Paano na? Anong gagawin ko? Mukhang tinamaan ata ako ng malakas sayo? Pero anong gagawin ko? Kung alam ko naman kung sino...kung kanino tinamaan ang puso mo..
Nakakalungkot, ang sakit ng nadarama sa bawat dukot ng letrato mo sa wallet ko...ay may namumugtong luha sa mata at unti unting nasusugatan ang puso ko. Paano na? Kung simula pa lang, wala na akong pag asa. Kung simula pa lang, wala na akong laban, sa kaniya na pinag tabuyan ka na..pero siya pa rin, pinag palit ka na..pero siya pa rin, at ako pasimple..pasimpleng masaya...pasimpleng okay lang...at pasimpleng nasasaktan. Paano na?
Kung pwede lang ayaw ko sana paabutin sa puntong hindi na kita gusto..dahil mahal na kita..ayoko umamin dahil wala naman patutunguhan, masasaktan lang ako sa resulta, dahil ganun naman talaga.
Siguro dahil hindi ako kagandahan, hindi ako mapayat, hindi ako kaakit-akit, tulad niya... Hindi katalinuhan pero wag mong kalimutan na yang gusto mo minsan na ding umasa sa tulad ko, makapasa lang sa pagsusulit.
Pero...kahit masakit, kahit mahirap, itago ang feelings para sayo. Kahit masakit makita kang masaya sa piling ng iba, okay lang. Masaya na ako dahil masaya ka. Paano na? Kung mahal na kita? Paano pigilan ang nararamdaman para sayo sinta?

Spoken Word Poetry(Tagalog)Where stories live. Discover now