"Hanggang sa oras na ito"

740 8 1
                                    


Umiyak nanaman ako ngayon.. dahil sayo, dahil sayo na kahit anong gawin ko hindi mapapasakin.

Mahal.. mahal na mahal pa rin kita kahit wala kang pakielam. Dahil matagal ko na yang alam.

Mahal.. isang taon na, pero bakit ikaw pa rin? Bakit?

Alam mo ba'ng loyal ako loyal sa pagiging tanga sayo. Hanggang sa puntong ito.

Hindi ko mapigilan bigkasin ang pangalan mo na nakatatak na ata sa aking isipan. Tuwing makakabasa, makakarinig ng mga may konektado sayo ay ikaw agad ang naiisip ko.

Pero alam mo yung nakakatawa yung mababaliw na ako pero palayaw mo lang ang alam ko. Araw araw ko iniisip ano ba ang apelyido mo?

Nagmamahal ako ng isang taong hindi ko lubusan kilala at nimaski hindi pa kita nakikita.. pero mahal pa din kita.

Napakatanga ko noh? Totoo naman yan.

Iisipin kita,
Iiyak ako,
Malulungkot at muling susulat ng tula para sayo.

Pero ikaw.. may mahal ng iba.

Sinubukan ko mag mahal muli ng iba pero tila bakit ikaw pa din?

Sinaktan, iniwan, niloko na nila ako na parang ginawa mo lang pero bakit ganon? Hindi ganon kalaki ang epekto nila sakin at ngayon ikaw pa din? Ang dahilan ng mga tula ko..

Kailan ba matatapos ito? Kailan ba?

Sinubukan ko mahal, sinubukan kong kalimutan ka. Ginawa ko lahat sabi ko nga nag hanap ako ng iba, nag mahal ako ng iba, nilibang ko ang sarili ko, nag pakabusy ako para hindi kita maalala pero sa tuwing ganito makakarinig ng malulungkot na mensahe o kanta at tuwing mag isa ako..

Ikaw parin ang naiisip ko.. ang naaalala ko.. hanggang sa oras na ito. Mahal patawad.

Spoken Word Poetry(Tagalog)Where stories live. Discover now