"Wag ka mag alala"

2.9K 19 1
                                    


-
Kamusta?
Tagal natin hindi nag kita..
Wag ka mag alala
Andito ako hindi dahil gusto kita makita,
Andito ako dahil gusto ko sana.. mag paalam

Diko ba nasabi na
Ayaw ko na?
Maging tanga,
Maging aso mo
Na tatahol at susunod na lang sayo..
Ayaw ko na.

Wag ka mag alala
Dala ko na ang lahat
Pero saglit!
Pwede bang pakawalan mo na rin
ang puso kong na sayo parin?

Wag ka mag alala
pag katapos nito hindi na kita guguluhin pa..
Malaya ka na
Na mahalin mo
Yung kaibigan ko
Na kanina pa ata tayo
Pinanonood.

"Mahal please wag"

Sana marinig ko yan sayo
Pero malabo ata na sabihin mo
Dahil hinihintay mo na lang na lumisan ako

Tama ba?
Na hindi kita ipaglaban?
Dahil pakiramdam ko na lason ka na!?
Ng lokong yun!
Tama ba?
Tama ba ang mag paraya ako?
Hindi dahil sa kaibigan ko..
Hindi dahil nasaktan mo ako..
Kundi dahil masaya ka
At
Mahal mo sya.

Wag ka mag alala
Nandito lang ako.. binabantayan ka
Wag ka mag alala
Handa ako maging kaibigan mo
Sa oras ng problema

Spoken Word Poetry(Tagalog)Where stories live. Discover now