"Stress"

5K 15 1
                                    

-
Stress dahil sa mga matang nakatingin,
Depress dahil sa mga sobrang taas na expactation,
Kami lang ba ang istudyante dito? Dahil parang lahat ng kilos namin binabantayan niyo kahit nga napakaliit na pagkakamali hindi pinalalampas.
Sa sobrang taas na expectation niyo hindi niyo na nakita na may kahinaan din kami, napapagod din kami.
Ikaw,
Kayo,
Lahat naman tayo istudyante, ang pag kakaiba lang ang level ang strand..
Ikaw humss,
Siya ABM,
At marami pa..
Kami? Ako? Stem.
Pag stem ba dapat magaling? Matalino, kaya na lahat?
Dahil ano? Magaling sa math? Sa biology?
Ang hirap..
Nakakasakit na kasi yung iba, yung pinamumukha nila na mataas, matalino, magaling sa tonong hindi mo alam kung pinupuri ba o ano..
Para ako'ng nasa tulay na ang daming marurupok na daan, maraming umaasa na makakatawid sa dulo, pero pag nag kamali kami..ako, ako pa yung tanga, kami pa yung masama..bakit naman ganun? Bakit ganito?
Hanggang dumating na lang sa punto na ayaw ko na.
Gusto kong sumigaw, gusto kong umiyak ng malakas, pero ito ako patuloy na nagpapanggap na ayos lang..
At umiiyak ng palihim sa dilim.

Spoken Word Poetry(Tagalog)Where stories live. Discover now