"Hindi ako ang gusto mo"

2.3K 14 1
                                    

-
Pafall, paasa, malandi..
Mga tawag sa mga lalaking nag papaibig sa mga babaeng nanahimik sa isang tabi tulad ko.
Nasa isang sulok malayo sa mga tulad mo..na nag paibig sa tulad ko, bakit kailangang ako? Bakit kailangang gawin mo to? Hindi mo ba naiisip na singkwenta porsyento na babae ay madaling umibig sa mga tulad mong paasa..
Oo, paasa ka!
Oo, tanga ako dahil umasa ako!
Oo, assuming ako!
Pero dahil sa mga ginagawa mo na akala mo normal lang pero sa tulad ko ay nag iiba ang kahulugan, nag iiba ang nararamdaman, nag iiba ang kinabukasan..
Na noon ay wala akong pakielam kung makikita kita o hindi, kung masusulyapan kita, at mas gusto ko pang hindi ka makita sa buong araw at sa mga susunod pa..pero ngayon...ano ito? Bakit ganito? Sa twing makikita ka bumibilis ang tibok na puso ko, sumisikip at nahihirapan huminga at gusto kita makita bago lumubog ang araw, gusto kita makausap bago sumapit ang kinabukasan at hindi mapakali pag nandiyan ka na...
Ano na nangyayari..saakin? Sa nararamdaman ko... Ano na to..hindi ko na alam..kung dapat ko pa ba ito ituloy o kailangan ka ng kalimutan. Dahil alam ko naman simula pa lang ng una kitang makilala wala na akong pag asa..simula pa lang talo na ako...dahil pag balikbaliktarin man natin ang mundo ay hindi pa din mag babago ang katotohanan na hindi ako ang gusto mo!

Spoken Word Poetry(Tagalog)Where stories live. Discover now