"Aking Kalawakan"

325 3 0
                                    

Heto nanaman ako matagal na rin simula noong huli akong sumulat ng ganito.
Mga kaibigan, gusto ko lang itanong kung naranasan mo na bang maging pansamantala? Naranasan mo na bang maging pampalipas oras lang? At naranasan mo na bang paasahin?

Ako ito, yung taong nananahimik sa daan habang naglalakad sa kawalan. Pinagmamasdan ang kalangitan habang nakatingala at hindi sigurado sa nilalakaran. May kahahantungan kaya ako rito? O titigil muna ako para makita kung saan ako tutuloy at malinawan sa mga bagay na hindi ko maintindihan.

Ngunit sa aking paglalakbay may humarang sa aking dinaraanan. Sa una hindi ko pinansin dahil baka naligaw lang siya, sa pangalawa ay napatanong ako "anong kailangan mo?" sumagot siya at sinabing "gusto kita, totoo ang nararamdaman ko para sayo".

Hindi ako umimik kasi baka nagkamali lang siya, sumunod ang pangatlo, paulit ulit niya akong hinaharang, hinihila papalapit sa kanya habang ako naman ay papalayo sa aking puntirya.
Wala akong ginagawang iba hinahayaan ko lang siya na magsalita. Hanggang sa hindi ko namalayang nabihag niya na pala ako at napaibig narin ng tuluyan sa hindi inaasahang pagkakataon.

Huminto ako sa paglalakad at lumingon sa likod dahil alam kong nandoon siya. Dahan dahan akong lumingon habang desididong sulyapan ngunit wala akong nakitang iba ni anino niya'y wala na. Malamig na hangin, mainit na mga luha, masikip sa dibdib, nalilito bakit nag ka ganun?

Ako'y agad kinabahan baka kung ano nangyari sa kaniya. Bumalik ako kung saan ako nagsimula baka nandoon siya, hinahanap ko kung saan siya nagpunta, hindi ko na inaalala ang aking hangarin maglakbay sa kalawakan dahil pakiramdam ko nakita ko na ang aking mamahalin habang buhay.
Kung saan saan ako nag tungo mahanap lang siya at sawakas muli kami nag kita.

"masaya ako at nakita ulit kita" sambit ko habang tinitignan siya sa hindi kalayuan at hindi na ako nagpaligoyligoy pa at naglakad na papalapit sa kanya.. Ngunit bago pa ako makalapit ay napansin kong nakangiti siya sa di malamang dahilan nakita ko yung totoong kinang ng kaniyang mga mata habang tinitignan yung taong dahilan ng kaniyang saya. Hindi ako, hindi talaga ako ang gusto mo.

Sinabi mo lang yun dahil nalulungkot ka, sinabi mo lang yun dahil mag isa ka, sinabi mo lang yun dahil natatakot ka, sinabi mo lang yun dahil ayaw mong mapag isa. Gusto mo ako? Tangina naman.
Ngayon ano? Mag sisimula nanaman ako papunta sa kalawakang magulo?

Bakit kailangan mo pa ako isama sa sakit mo? Wala naman akong kasalanan sayo.
Bakit kailangan nasa istorya mo pa ako?
Kung hindi naman ako yung kasama mo sa dulo.
Bakit mo ko kinausap?
Kung iba naman pala ang iyong pangarap.
Bakit ako?

Magulo na nga ang daan na nilalakaran ko, winasak mo pa ang tulay papunta sa lugar na ninanais ko.

Spoken Word Poetry(Tagalog)Where stories live. Discover now