"Ang Tanga"

1.8K 5 0
                                    

-
Ang bilis mag bago ng panahon.. para'ng yung pagmamahal mo.. dati para sakin ngayon sa iba na.
Alam mo ba nung bata ako iiyak ako pag hindi ko nakuha ang gusto ko, pero ngayon mag sasakripisyo na lang para sa ikaliligaya ng gusto ko.
Noon ang alam ko lang na mahal.. yung manika na binibenta sa kanto, yung tuition na mahal, yung pag kain na hindi ko mabili dahil nga mahal.. pero ngayon ikaw..
Ikaw yung mahal ko.
Noon tatakbo ako pag hinahabol ng aso,
Ngayon hindi ko na alam kaya tinatakbuhan ko na lang yung sakit, yung pasakit na iniwan mo sa akin..
Ang bilis talaga mag bago ng panahon, kanina lang mahal mo ako.. ngayon asan ka? Iniwan mo nanaman ako..
Kanina mahal mo ako..
ngayon iba'ng tao ang gusto mo.
Ay hindi pala siya iba.. kasi siya naman talaga yung gusto mo o mahal mo ay both pala,
Gusto mo, mahal mo.
Ako tanga.. asa ng asa sayo. Sa mga salita mo.. lalo na yung "mahal kita" nakakagigil ka rin pero dahil nga mahal kita.. oo na ako na tanga, OA, eh ano naman? Mahal nga kasi kita.
Pero bakit tila wala ka'ng paki elam? Oo di mo ako gusto, pero kung hindi, bakit ka nag bibigay motibo para kumapit ako? at naniniwala pa rin sa sinabi mo noon na may tamang panahon sa ating dalawa. may gusto ka ba? O gusto mo lang ako pag laruan?
Mahal mo ba ako? O baka naman assuming lang talaga ako..
Ang tanga tanga ko na sayo, kung alam mo lang. Pero kahit naman malaman mo may mag babago ba? Wala naman.
Hinihintay ko pa rin ang umaga na babalik tayo sa dati yung ako yung mahal mo.. yung tayo lang walang iba.
Ang tanga ko na..
Sobra.
Patawad sa aking katangahan,
Paumanhin sa aking pag ibig na hindi matapos tapos,
Paalam, ilang beses na ba ako nag paalam? Pero paulit ulit pari'ng bumabalik dahil nga.. ang tanga.

Spoken Word Poetry(Tagalog)Where stories live. Discover now