Tagu-taguan

1.4K 16 0
                                    


Mag laro tayo ng isang larong ikaw ang taya, ako ang magtatago.
Tagu-taguan maliwanag ang usapan natin na mahal kita at mahal mo ako. Nag simula ka na mag bilang at ako ay nag tago na kung saan tayo unang nag tagpo.
Balikan natin kung paano tayo nag simula kasama ang bawat bilang na iyong binibitawan.
Isa, isang araw tayo'y nagtagpo hindi ko alam ang bibitawan na salita sapagkat nakatitig lang ako sayo sinta.
Dalawa, ito ang pangalawang pagkikita natin na bilang magkaibigan na laging nagtatawanan.
Tatlo, tatlong salita ang iyong binitawan na agad kumaripas ang bilis ng tibok ng puso ko.. mahal na kita ang sabi mo..
Apat, apat na minuto isang linya ang ngayon umiikot sa isip ko.
Lima, limang buwan na ang lumipas mag mula ng nagkita tayo hanggang sa maging mag kaibigan at ngayon magka-ibigan.
Anim, anim na oras na mag mula nang tayo'y nagkausap pero tila wala lang sayo.
Pito, maayos naman tayo pero bakit tila nag bago ka? May problema ka ba? Pwede ba natin pag usapan at baka makatulong ako?
Walo... Siyam, wala na. Gabi gabi na akong umiiyak at nag tatanong ng.... bakit?
Sampo, katapusan ng bilang. Hinanap mo ako at muling natagpuan. Pero tumalikod ka.

Sandali lang!.. sigaw ko

Ako naman ang taya at ikaw ang hahanapin ko pakiusap wag ka munang lumisan..

Nag bilang ako gaya ng ginawa mo.

Pero huli na ako..

Nagising ako at napagtantong..
Isa
Dalawa
Tatlo
Apat
Lima
Anim
Pito
Walo
Siyam
Sampo... wala ka na sa mundong ito mahal ko.

Spoken Word Poetry(Tagalog)Where stories live. Discover now