"Nabuhay lang talaga ako para mag hugas ng pinggan"

758 4 3
                                    


Ako to, yung taong na bigla sa pag bago ng ikot ng mundo.. akalain mo yun dati kinamumuhian kita ngayon ito mahal na kita.
Yung naramdaman ko ang pag bilis ng tibok ng puso ko at naiilang sa twing tinitignan mo.. hindi ko agad inamin sa sarili ko yung totoo dahil minsan lang ako masangkot sa ganitong sitwasyon kaya hindi sigurado sa bibitawan na desisyon.
Kaya nag isip ako ng paraan na baka pwedeng sagot sa mga tanong at para makasigurado na rin ako.
Una, nag chat ako sayo.. hindi ko alam kung mag rereply ka kasi sino ba naman ako? Ako lang naman yung ayaw mo makita sa mundong ito. Maya't maya nakatanggap ako ng mensahe galing sayo, hindi na ako nakapag isip at agad binuksan ito at binasa.. ilang replyan ang nangyari hanggang sa nag assume ako na baka gusto mo din ako kausap kasi ang bilis mo pero wala nga kasing forever kaya nag tapos ang usapan sa likezone.
Nakaramdam ako ng saya pero bakit walang kilig? Siguro hindi talaga ako umiibig, baka nabubulag lang ako dahil lagi kitang nakikita.
Pangalawa, sinubukan kitang titigan sa twing tayo mag kakasalubungan at hindi ko alam kung bakit.. wala ako maramdamang kilig.. o baka dahil pinipigilan ko ang pag ibig na pwedeng dahil sayo.. bakit ko pinipigilan? Dahil sa kaunting panahon na nakasama kita alam ko at napagtanto ko na kahit kailan hindi mo ako magugustuhan. Sa mga tingin mo na nakakababa ng tingin ko sa sarili ko dahil hindi ako maganda.. hindi ako sexy na tulad ng iba.. hindi ako katalinuhan na tulad ng iba.. hindi ako ang tipong matitipuhan mo kaya talo na agad ako sa tingin mo lang na hindi ko matagalan.
At bigla na lang pumutok ang isang balita na mayroon ka ng mahal..
At napansin kong lagi kitang inaaway kasi alam mo ba naiinis ako? Kasi yung gusto ko nasa iba na.. kasi yung gusto ko.. hindi pwede magustuhan ako kasi hindi naman ako jowable.
Sa twing makikita ko kayong masaya at mag kasama.. ito ako pasimpleng nadudurog sa gilid at hindi maiwasan mapasulyap at mapangiti sa sobrang sakit.. bakit kasi hindi tayo? Bakit kasi ganito? Ang judgemental ng mundo paano naman kaming ganito lang, yung hindi maganda.. hanggang tingin na lang ba ako sa kanya?
At mangarap na baka pwedeng maging kami pa..
Pero syempre ipaparealize niyo sa akin na hindi ako bagay sa kanya, hanggang sa maisip ko na.. baka nabuhay lang talaga ako para mag hugas ng pinggan.

Spoken Word Poetry(Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon