"Bakit"

4.5K 22 0
                                    


-
Mahal, minahal mo ba talaga ako?
pero bakit parang hindi..
Bakit ok lang sayo, ayos lang sayo,
Na kalimutan kita?
Na iwan mo ako?
bakit ka ganyan?
bakit mo ako sinasaktan ng ganito? Mahal!
Maging tapat ka naman
Kahit ngayon lang,
Kahit sandali lang,
Mahal,
Dumating ako sa tagpuan natin na noon ay napakakulay pero ngayon ay dinaig pa ang filter na black and white.
Nag hintay ako, dahil nangako ako sayo.. sa sarili ko, na hihintayin kita hanggang matapos ang delubyo na ito.
Pero mahal..
Bakit di'ka dumating?
Bakit di'ka manlang tumawag na hindi ka makakapunta?
Bakit parang wala lang sayo,
Na umiyak ako?
Na malungkot ako?
bakit, di'ka man lang nag paalam na iiwan mo na ako?
Ano bang ginawa ko?! Nag mahal lang naman ako! Minahal ko lang naman ang tulad mo!
Mahal, bakit naman ganito?
bakit ang dali lang sayo ng lahat?
Sa sobrang dali, nagawa mo na ang kinakatakutan ko..
Yung ipag palit mo ako sa iba,
Na hindi ko man lang alam na wala na palang ikaw at ako..
Mahal, sana man lang nag sabi ka
Sana manlang sinabi mo
Sana manlang
Sana...
Mahal, ang sakit.. bakit ang sakit?
Bakit ang sakit mahal?
mahal, mahal pa rin kita.
Kahit may kayo na..

Spoken Word Poetry(Tagalog)On viuen les histories. Descobreix ara