"Ang Huling Tula Ko Para Sayo, Mahal"

882 3 0
                                    

Hindi ko na alam kung paano ako mag sisimula sa tinapos ko na, tinapos ko na ang tali na ako lang ang nag sisilbing dulo sa pagitan nito. Dahil sa una palang ako lang naman ang nakakapit at sa lahat ng nagawa kong tula para sayo ay ako lang ang nakakapit at ikaw ang bumitaw at sa pag sulat ko na lang ng tula ako umaawit.
Sa pag tugtog mo sa gitara, napapaisip ako kung ako ba iyo'y naaalala.
Sa pag takbo mo, napapaisip ako kung minahal mo ba ako ng totoo.
Sa pag ihip mo ng yosi, napapaisip ako kung tama na ba ito para itanggi ko na mahal kita.
Ang dami ko iniisip at lagi kang kasama, kailan ba yung panahon na wala ka na..kailangan ba munang mabagok ako? Para makalimutan ka?
Napakahabang panahon ang aking hinintay para masabi ko sa sarili ko na.. Nakalimutan na kita.. Patawad at ngayon ko lang naintindihan ang lahat.
Hahahaha nakakatawa lagi akong humihingi ng tawad sa bagay na ito, pero kasalanan ko rin naman dahil napakatanga ko pag dating sayo.
Ang dami ko na napagtanto dulot ng mga kantang uso ngayon, katulad ng linyang
"pinagtagpo pero hindi tinadhana"
Oo pinagtagpo tayo pero hindi itinadhana dahil hindi ka karapat dapat sa tulad ko.
"hanggang sa dulo ng ating walang hanggan, hanggang ang puso'y wala ng nararamdaman" ganyan ang ginawa ko sa halos dalawang taon na, kahit wala ng pag asa, bumuo ako ng bagong pag asa sa ilusyon ko, sa imahinasyon na darating ang panahon na tayo parin sa dulo ng walang hanggan... Pero bangungot pala ito kaya gumising ako bago matapos ang taon na ito.. Tama na di na sya babalik.
At ang huli "kung di rin tayo sa huli.. Aawatin ang sariling umibig pang muli" hindi, kahit anong gawin mo iibig ka ulit hindi mo mapipigilan.. Dahil ang pagmamahal hindi mo mapipigilan. Parang bagyo yan, pag tinamaan ka tinamaan ka.. Iiwasan mo man pero wala kang magagawa. Kung napipigilan ang umibig, bakit ka nahulog sa taong rason ng pag iyak mo? Alam mong masasaktan ka pero hinayaan mo lang.
Tama ba? Tama na.
Ang huling tula ko para sayo, mahal.
Sana pakinggan mo. Ang bawat salita na binitiwan ko para sayo. Paalam na.

Spoken Word Poetry(Tagalog)Where stories live. Discover now