"Huling pahina"

6.8K 59 4
                                    


HULING PAHINA

-
Akala ko ikaw at ako ang bida mula sa una hanggang sa dulo,
Pero nag kamali ako..
Ang bida pala ay ikaw, ako at sya...
Mahal kita at sabi mo mahal mo'ko pero ako papala ang kailangan mag adjust para sa ikaliligaya nya, ako pa pala ang kailangan para matapos ang istoryang to,
At bakit ako nag kakaganito? 
Nag kakaganito dahil pakiramdam ko wala lang ako sayo dahil mas mahalaga ang nararamdaman nya kaysa sa nararamdaman ko.
Mas mahalaga na wag syang masaktan pero okay lang na ako ang masaktan,
Mas mahalaga na wag sya umiyak, pero ako? Okay lang
Mas mahalaga sya diba? Kaya okay lang, ayos lang..
Sa lahat ng pwedeng maging dahilan para hindi pwedeng mag karoon ng TAYO ay kailangan kasama pa sya..
Nung unang pahina kasama sya dahil sya ang nauna at ako ang pangalawa iniisip ko noon, kailan kaya ako mauuna? para masabi ko naman na pinag palit ako sa pangalawa hindi sa una, hanggang dito ba naman tatalikuran mo ako dahil sa kanya? Iiwan mo ako dahil ayaw mo syang masaktan? Paano naman ako na tinalikuran at iiwan mo? ano ako? pag iniwan mag paparty?.
At ngayong huling pahina mula sa una na nirebound at sa dulo na pinaasa ako, ako na tanga, tanga, tanga ko, bakit? Nag mahal ako? nag mahal ako ng taong walang pakielam sa nararamdaman ko..

Spoken Word Poetry(Tagalog)Where stories live. Discover now