"Naisip kong tula"

8.7K 31 0
                                    


-

No boyfriend since birth..
Yan ako, ako yan, walang babe,baby,mahal,hubby,love,partner.. ako yan walang jowa, pero ang lakas maka hugot daig pa ang totoong broken, daig pa ang iniwan ng taong mahal.
Nakakatawa kasi nakakagawa ako ng mga ganitong tula para sa mga taong iniwan, pinaasa, pinag mukhang tanga..
Ako kaya...?
kailan kaya ako gagawa ng para sa akin... para sa sarili ko
Para sa tahimik na magulo kong buhay.. ang gulo diba?
Minsan nga pag may tanong sa exam na, kung sino ang no boyfriend since birth.. wala ng si ganito, si ganyan, dahil ako na ang bahala, dahil ako.. ako na.
Hindi naman ako nag mamadali na mag ka shota, gusto ko lang isulat kung ano ang magulo kong naisip para sa tema ng tulang to,
Gusto ko lang.. ewan ko ba, nakakatawa dahil wala akong maisip para dito,
Gusto ko gumawa ngayon.. pero mukhang barado ata ang isip ko.
Ang mga naiisip ko noon ay nawala na ngayon.. bakit kaya? Nainip ba sila? Nag sawa ba sila? Parang sya...
Sino si sya? Eh wala naman talaga.. kasi wala namang kami,
Ito nanaman ako humuhugot ng walang katapusan, masyado ng magulo ang temang to, tinatamad na akong ayusin.. ang mga salita, at linya na posibleng tugma sa naisip kong tula.

Spoken Word Poetry(Tagalog)Where stories live. Discover now