"Naka move on na ako"

2K 17 1
                                    


-
May gusto nga pala ako sabihin sayo at ipaintindi na maayos na ako.
Kung noon pag naaalala ko ang mga linya mo na "mahal kita" "miss na kita" "hindi kita iiwan" na parang sirang plaka na paulit ulit na naririnig mula sa nakaraan, kung noon pag naririnig o nababasa ang pangalan mo ay may tutulo nanamang luha'ng mapait at masakit..
Kung noon pag nakikita ka na may kasamang iba.. hindi ko man lang magawang tignan kayo ng masaya dahil iiwas nanaman ako at mag tatago at sa sobrang sakit kung saan saan na ako napadpad,
Kung noon tuwing tatanungin mo ako kung kamusta na ako.. tapos sasabihin ko na "okay lang" tapos kunyari tatawa dahil para matakpan ang sakit na nararamdaman. Pero tapos na ang nakaraan, nandito na tayo sa kasalukuyan. Nandito na ako sa punto na kapag naaalala ang mga linya mo ay parang lesson sa math na sa una hindi ko maintindihan kung bakit paulit ulit pinag aadd at binabawasan ang mga numero sa harapan na kahit sobrang komplekado ay may sagot parin sa lahat. At pag nababasa o naririnig ang pangalan mo mula sa aking mata at imahinasyon ay naaalala ang nakaraan na dati ay dinaig pa ang black and white pero ngayon mga masasayang alaala at napakakulay ang bagay na yun.
At kapag nakikita ka na masaya sa iba ay napapangiti na lang ako dahil masaya ka na at ganun din ako. At ngayon masasabi ko na sayo, sakanila sa akin na naka move on na ako.

Spoken Word Poetry(Tagalog)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ