"Friends tayo at hindi talo"

1.1K 8 0
                                    


Paano ko ba sisimulan itong tulang ito? Kung sa simula pa lang wala ng pag asa, kamusta pa yung dulo diba?

Noong una lagi lang tayo nag aaway pero bakit ngayon parang.. its okay?

Noon kapag nag sigawan tayo lagpas pader ang boses pero bakit ngayon.. hindi ko na marinig ang sarili ko?

Noon naman kapag tayo nag asaran, game na game. Pero bakit ngayon ako yung waley?

Nakalimot na ba ako? Na friends tayo at hindi talo.

Meron yung araw na napalingon ako sa kaliwa at ikaw ang nakita, naka side view ka at napalingon sa akin sandali. At sa kaunting sandaling iyon ay nasabi ko ang hindi ko inasahan na... "ang gwapo niya pala" oh diba? Ako na shonga.

Sinapak ko na ang sarili ko para matauhan. Pinigilan ko mahulog, mapansin ka sa tabi, dahil alam ko naman na friends tayo at hindi talo ng pag ibig na ito. Bukod sa bato ka at may mahal na iba, ano pa laban ko diba?

Isang araw umupo ka sa tabi ko, ako na hindi mapakali samantalang ikaw walang kaalam alam sa nangyayari. Nakatalikod ka sa akin at mag kadikit lang tayo, syempre chance ko na to. Hindi na ako nagpatumpiktumpik pa at tuluyan na nga ako nahulog, isinandal ko ang ulo ko sa likod mo ng hindi gaano pero napansin mo ata kaya agad ako umupo ng maayos at pasimpleng hinampas ka para sabihin na..

"Wag ka nga magulo" na ibig sabihin sasandal pa ako sandali

"Umalis ka na nga diyan" na ibig sabihin dito ka muna saglit.

Tinignan mo naman ako, mata sa mata at parang bigla ako pinalibutan ng mga kung anong dwende na bumubulong sa tabi ko ng, paano kung halikan o yakapin mo ako? Ang lakas ng imahinasyon ko dinaig ko pa ang mga advance mag isip at paano kung ganito lang tayo mag katitigan at sabihin mong gusto mo rin ako..

Pero tumalikod ka ulit at nanatili lang na nakaupo. Yung mga iniisip ko rejected. Kaya yung isip ko palipadlipad sa tabi tabi na iniisip kung may pag asa ba ako sayo? O kung may pag asa bang mag kagusto ka sa tulad ko? Pero bigla ko nanaman naalala na lagi mo pala ako tinatanggi.

Meron pa nga yung araw na nagkasama tayo sa isang act na kailangan mag hawak ng kamay, hindi ko alam kung nantritrip si tadhana kaya paglingon ko sa tabi ikaw ang nakita. Dahan dahan mong hinawakan ang kamay kong naninigas na dahil tumigil ang pag galaw at tibok ng puso ko lang ang naririnig at mabilis na pag hinga. Pero para hindi mo mahalata na gusto kita, pinilit ko magpaka normal sa paligid mo. Dahil kung masakit na ang mag kagusto ng taong hindi ka gusto, mas masakit na harap harapan kang itanggi at ikahiya ng taong mahal mo.

Spoken Word Poetry(Tagalog)Where stories live. Discover now