"Nakakakilig Ngunit Masakit"

790 9 0
                                    


Magandang magandang araw sa ating lahat. Nandito nanaman ako at ipapaalalang hindi tayo gusto ng gusto natin makasama. Yung iba umaawit para ilabas ang kanilang nararamdaman ngunit hindi ako mang aawit dahil isa akong makata na umaasa sa taong iba ang gusto makita. Ang sakit diba? Yung ginagawa ko na lahat mapakilig ka lang tapos wala rin pala kasi yung attention mo na sakanya lang..
Alam mo ba.. minsan lang ako mag kagusto kaso sa tuwing minsan laging may iba.
Siya yung iba na gusto mo..
Siya yung iba na hindi ako..
Siya yung iba na ikasusuko ko..
Sa tuwing gumagawa ako ng tula laging may kasamang 'mahal at sinta' ngunit sa tulang ito wala akong karapatan dahil wala naman ikaw at ako, wala namang mahal kita at mahal mo ako, dahil ang meron lang ay gusto kita at gusto mo ay iba.
Sabi ko lokohan lang,
Sabi ko asaran lang,
Sabi ko charot lang,
Pero sa bawat sarili kong banat at sa bawat sagot mo ay ako'y kinikilig ngunit na alala ko hindi lang pala ako ang hinaharot mo. May iba pa pala.. pero may isa talaga sa mga iba na yun ang tunay na gusto mo dahil napansin ko naman dahil pag ako ang nagsalita siya ang kausap mo. Nakakakilig ngunit masakit dahil hanggang biro lang lahat sayo at ako lang ang nag seryoso. Dahil marupok ako.

Spoken Word Poetry(Tagalog)Where stories live. Discover now