"Bess Gusto Kita"

1.8K 17 0
                                    


-
May sinabi ka noon, sabi mo may gusto ka...tinanong ko kung sino pero iniba mo ang usapan.
Masaya ka ba sa kanya?
napapangiti ka ba niya?
Pero...gusto ka ba niya?
Sorry.. sa mga tanong ko na kinagulat mo.
May aaminin sana ako sayo, matagal na kasi to. Di ko lang masabi dahil sa kaba, at pintig ng puso'ng kumakabog kabog. Hindi ko magawa...pwede ba'ng umatras, umalis, tumakbo sa malayo.... pero andito na ako nakatitig sa mata mo na tila nag aabang sa galaw ko, ang tenga mo ay nag aabang ng aking sasabihin ang iyong bibig na handa na magsalita. Pero ang buong katawan ay tumigil at ang puso ko lang ang nag iingay..na aking naririnig.
Hindi ko magawa mag salita man lang, kaya tumakbo ako. Umalis sa kinakatayuan at wala ng ganito ganyan. Natakot ako na baka hindi ka maniwala o magmukha lang ako'ng tanga..
Lumipas ang umaga na wala man lang manok na tumitilaok, ang tanghali na wala man lang kataotao sa paligid, ang gabi na walang mga bituin kundi ang bilog na bwan lamang.
Mahabang panahon ang aking ginugol sa pag iisip sa sagot na ikaw lang ang makakasagot,
Bumalik ako kung saan kita tinakbuhan at tinalikuran ng walang pasabi at pag aalinlangan. Ngayon may lakas na ako ng loob para umamin at sabihin ang tatlong salita na hindi ko mabitawan noon dahil sa takot na baka ako ay iwan.
Nahagip ka ng paningin at kumaway ka naman na nakatingin din sa'kin. Lumapit ka at ganun din ako. Nag kamustahan at sabay nating sinabi na..
"May gusto nga pala ako sabihin sayo" ang saya mo noon parang pag nasabi mo ay pwede ka na kunin ng may kapal. Kaya pinauna kita, at nag iwan ka pa ng ngiti na namiss ko ng sobra.... mag sasalita ka na sana ng may sumigaw at lumapit sa tabi mo, napatingin ako sa kanya.. naka pink na dress at bigla siya humawak sa kamay mo na ako dati ang may hawak.
Sabay sabi mo na.. "bess girlfriend ko nga pala" at sabay paalam dahil mukhang may pupuntahan ata kayo..
Ang saya niyo tignan, napapangiti ako pero hindi ko alam kung bakit tumutulo ang mga luha ko..at gusto ko na lang umiyak. Dahil hindi ko nasabi ang tatlong salita na dapat matagal ko ng inamin.. nagsisisi ako.. gusto ko mawalan ng malay sa sahig, humiling sa bathala na kunin na ako ng maykapal, umiyak...umiyak...dahil ang puso ko ay nabibiyak sa sakit na bitbit sa bawat segundo. Ang sakit sakit, ang tanga ko, bakit bakit hindi ko pa inamin noon.... ang hina hina ko..
Pag katapos ng araw na iyon, muli tayo'ng nagkita pag katapos ng madaming taon.. kasal ka na at may mga anak na. Nag kamustahan ulit tayo. At pinakilala mo ako sa pamilya mo.. sa pamilya na sana ako yung ilaw ng tahanan.. pero hindi.
Ngayon sasabihin ko na wala ng paligoyligoy pa at para matapos na...
Oo may kayo,
Oo ikaw at ako lang... walang tayo. Pero sasabihin ko na kahit dito lang.. kahit hindi mismo sayo. "Bess gusto kita".

Spoken Word Poetry(Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon