"Crush mahal kita pero ayaw ko na"

21.8K 124 18
                                    


-
Sa mga tingin mong nakakaakit,
Sa mga ngiti mong nakakailang,
Sa mga lapit mong nakakagulat,
Hindi ako mapakali hindi ko alam ang dapat gagawin dahil sayo ako ay nawawala sa sarili at nasasabihan na lang ng tanga.
Naalala ko ng una mo akong tignan, ng unang pinahiram mo ang papel mo saakin, ng una mo akong nginitian, ng una mong sinabi ang pangalan mo.
Simula non ang pangalan mo na ang sinisigaw ng puso ko,
At muntik na tong sumabog na sinabi mong gusto kita..
Ang linyang yun ang dahilan para umasa akong na baka sakaling maging tayo,
Na baka sakaling sa susunod meron ng tayo.
Pero.. hindi pa pala yun tapos,
Umasa ako sa ilang segundo.
Pero ng
Sinabi mong gusto kita.. maging kaibigan.
Nadurog ang puso ko
Nadurog ako sa harapan mo
Na hindi mo lang alam.
Pero mas nadurog ako ng sinabi mong..
"Crush ko yung kaibigan mo"
Hindi ko alam kung dapat ba ako maging masaya dahil may nag kakagusto sa kaibigan ko o dapat ako masaktan dahil di ako ang gusto ng gusto ko..
Sa araw araw na akala ko ako ang tinitignan mo, pero sya pala
Sa araw araw na ang ingay mo pag sya ang kasama mo, pero pag ako wala lang.
Sa araw araw na masaya kang kausap sya at meron ka pang baon na topic, pero pag ako?
Sa araw araw na lagi mo syang inaasar at ikaw naman ay tuwang tuwa, pero ako wala lang tanga lang.
Pero ayaw ko ng umasa na mag kagusto ka sa tulad ko,
Ayaw ko ng mag pakatanga sayo,
Dahil pagod na ako umasa at masaktan..
Crush mahal kita pero ayaw ko na.

Spoken Word Poetry(Tagalog)Where stories live. Discover now