Bakit ang daming BAKIT?

997 5 0
                                    

Bakit?
Bakit ako nagkakaganito?
Bakit ako ganito sayo?
Bakit ang hirap mo'ng kalimutan?
Wala namang tayo pero bakit ako nag seselos? Sobrang selos na selos na ako at sa wakas na amin ko na sa sarili ko na ako nga ay nag seselos.
Pero bakit ganito? Sayo?
Yung 3 years crush ko nga may girlfriend tapos ayos lang sakin,
Yung mahigit 1 year ko naman na crush may girlfriend din yun,
Tapos yung lalaking last year ko'ng minahal nag ka girlfriend. Pero bakit sayo? Bakit ang sakit? Sa twing makikita ko na online ka, tapos maaalala ko dahil pala sa kanya kaya nandito ka.
Sa twing mag memessage ako tapos seen ka at walang balak mag reply o kaya inboxzone mo ako kahit online ka naman, tapos makikita ko yung post mo kasama siya.
O kaya siya yung topic mo sa twing nag kakausap tayong dalawa.
Bakit ang lakas naman ng pag pana ni kupido sakin? Pero bakit ako lang yung tinamaan? Bakit hindi ka kasama? Kupido naman eh! Bakit ako lang?! Bakit?
Ang sakit na ah!
Bakit ang daming bakit pero niisa wala ako masagutan o baka alam ko na yung sagot di ko lang maamin.

Bakit?
Bakit ka ganyan? Alam mo naman na gusto kita! Alam mo yan! Wala pa'ng kayo ng girlfriend mo! alam mo na yan..
Bakit kasi ako naniniwala sa mabubulaklak mo'ng salita na kahit sa simula't sapul wala ka pa naman napapatunayan pero bakit ang bilis ko'ng maniwala?
Bakit ang tanga tanga ko?
Nauntog ko na ata ang ulo ko sa lahat pero bakit di parin kita malimutan?

Paulit ulit ko'ng sinasabi na nakamove on na ako, pero gaga hindi pa.

Lagi ko sinasabi sayo na

"okay lang ako makakalimutan rin kita"

pero sa bawat bigkas ko ng  linyang yan may nag tatago na ang sabi ay..

"puta ang sakit makaramdam ka naman".

Spoken Word Poetry(Tagalog)Where stories live. Discover now