Time Machine

1.5K 8 0
                                    


Kamusta ka na? Unang tanong ko ng makita kita.
At sumagot ka naman ng "ayos lang".
Nakatingin tayo sa isa't isa na para bang ito ang una nating pag kikita.
Sinundan natin to ng pag ngiti at pati ang mapupungay mo'ng mga mata ay nakangiti ngunit ang mga mata ko ay may namumuong luha na dahil mahal, mahal parin kita.
Sa oras na kaharap kita maraming linya na gusto ko sabihin ngunit hindi na pwede dahil masaya ka na at sana.. sana ako rin.

Kung maibabalik ko lang yung panahon na nagkalabuan tayo sana.. sana inayos natin, sana inayos pa natin.

Kung maibabalik ko lang yung mga sandaling lumalayo ka.. sana hinabol kita.

Sana sinigaw ko na mahal, mahal na mahal kita!. Sana pinaglaban kita at baka sakaling lumaban ka  at baka sakaling tayo pa!.

Gusto ko maibalik yung tayo,
Gusto ko maibalik yung pangarap natin sa isa't isa.. yung pangako natin na tayo lang..
Gusto ko maramdaman muli yung mga yapos mo na napakainit at pinaparamdam na ang swerte mo dahil na saiyo ako at mga halik na umaapaw sa pagmamahal at saya na nadarama, mga lambing at feelings na nagtugma gamit ang mga salita at kilos na hanggang ngayon hindi parin kumukupas.

Mahal..

Sana man lang lumaban ka..

Baka sakaling sa pagkikita natin ngayon ay nag diriwang na tayo ng anibersaryo na pinagtagpo tayo para sa isa't isa.

Kung may time machine lang ako ni bulma, o kaya na saakin ang pitong dragon ball baka sakali ako parin ang iyong mahal at minamahal..

Kung may mapa lang ako ni dora baka sakali nahanap natin ang pabalik sa piling ng isa't isa.

Kung na sakin lang ang bulsa ni doraemon.. baka sakali akin ka pa.

Kung ako sana si Barbie at ikaw si Ken na laging mag partner, mag iba man ang itsura at kulay ay tayo parin ang magkasama.

Kung ML na lang sana ako yung natatakot ka na mawala sa memory mo.

Kung cellphone mo na lang ako na bawat minuto hinahanap mo.

Kung nabunggo ako ng rumaragasang truck baka sakaling iniyakan mo rin ako.

Sana may time machine ako tapos babalik ako nung panahon na magtatagpo tayo edi sana lumiko ako sa kabilang kanto at hindi tayo nag tagpo. Tapos ngayon ang una nating pag kikita na parehong masaya.

"Ikaw kamusta?" Napabuntong hininga na lang ako ng nag salita ka.

Sinagot ko naman ng "okay lang".

Linyahan ng hindi masaya..

Spoken Word Poetry(Tagalog)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz